Kabanata Isa

42 3 0
                                    

Maaga pa lang naisipan 'ko nang bumangon para mag-ayos. Kailangan 'ko na umalis ngayon kundi maaabutan 'ko pa sina Lolang magising. Wala na nga ako sa mood, baka mas lalong mawala lang ako sa mood kapag nakita 'ko sila.





Alas kwatro ng madaling-araw ng umaga. Dumiretso ako sa banyo para maligo. At alas kwatro y media na. Binihis 'ko ang uniform 'ko-- na kita ang butas sa may pitaka ng coat. Kita rin ang dumi sa may puti 'kong polo. Tinitigan 'ko na lang ang nakakaawa 'kong uniporme bago suotin. Wala naman na akong magagawa kung sira at marumi 'to. Ni sarili 'ko nga hindi 'ko na maayos mga gamit 'ko pa kaya.






Kinuha 'ko ang bag 'ko na wala namang laman kundi mga papel-- na panigurado ay nilagay ng mga kaklase 'ko. Tinanggal 'ko na lang ang mga laman bago kumuha ng panibagong notebook at ballpen. Sinuot 'ko na ang sapatos 'ko at lumabas na.






Maingat ang bawat paghakbang 'ko. Ayokong magising ang pamilya—nakakasukang sabihin—ang mga kumupkop sa 'kin. Sina Lola. Hanggang sa makalabas ako ng bahay ay dahan ang paglalakad 'ko dahil ayoko talagang maabutan ang mga taong 'yon.






Nang isara 'ko ang pinto ay mabilis akong tumakbo paalis. Inakyat 'ko ang bakod kasi mag-iingay ang gate kapag doon ako lumabas. Para akong akyat-bahay pero sanay na ako sa ganito. Ilang taon 'ko na 'tong ginagawa.






"Kingina." Tumama ang stockings 'ko sa nakausling pako sa itaas ng gate. "Good morning talaga. Kingina."






Tumalon ako mula sa pinakamataas. Chineck 'ko agad ang stockings 'ko—buhay pa naman pero nasugatan ang tuhod 'ko. Medyo tatatanga-tanga kasi ako kaya nangyari 'to. Kaya kahit mahapdi ang sugat 'ko, tumakbo ulit ako palayo sa impyernong 'to.






Malayo ang school 'ko. Ewan 'ko kung bakit do'n ako ipinasok ni Lola kung tingin lang din naman nila sa 'kin ay pabigat.






Pasikat na ang araw nang marating 'ko ang campus. Kingina. Nilakad 'ko na naman 'to na akala mo namamasyal lang ako sa parke! Marami na ang pumapasok na silang nakasabay 'ko. Tinitignan pa nila ako at pinagbubulungan. Para namang wala akong tenga at 'di sila naririnig. Mga hindot.






Pumila kami sa isang linya dahil kailangan namin i-tap ang ID namin para ma-recognize raw kami ng system at sabihin na nag-in kami sa campus.






Noong ako na ay itinapat 'ko ang ID 'ko sa scanner.






Iris Selene Romualdez
Bachelor of Arts in Broadcasting 2-1






Nagbulungan agad ang mga estudyanteng nasa likuran 'ko nang lumabas ang ID picture 'ko, ang pangalan 'ko pati na ang course at major 'ko.






"Siya pala si Iris Romualdez..."

"Ganda niya 'no? Pero ba't ganyan uniform niya? Sira-sira! Mukhang sumabak sa gyera noong unang panahon! Hahahaha!"

"Ano ba kayo! She's the bully! Manahimik kayo kung ayaw niyong malagot diyan!"

"Oo nga pala. Tanda 'ko pa rin 'yung tinulak niya 'yung grupo nila Agatha. Grabe 'no? Napuruhan si Jay!"






Inalis 'ko na agad ang ID 'ko kaya nawala na ang pagmumukha 'ko sa screen. Pumasok ako sa loob at pumunta sa building kung nasaan ang classroom 'ko. Konti pa lang ang nandito, ni hindi nila ako binati—merong isa, nginitian niya ako at kinawayan pero hindi 'ko siya pinansin. Hindi 'ko rin kasi alam ang pangalan niya.






Umupo ako sa dulong upuan at dinukdok ang mukha sa desk. Hindi pa nagsisimula ang klase pero gusto 'ko na agad umuwi. Kasisimula pa lang ng araw pero heto na 'ko't pagod na pagod.






Odd One OutWhere stories live. Discover now