Balitang-balita sa campus ang nangyari kay Eros Santos pati sa mga kaibigan niya pero walang makapagturo kung sino raw ang nagpatumba. Nasa ospital ngayon at nagpapagaling. Binugbog ba siya nung mga lalaking 'yun pag-alis ko? Hindi ko alam at wala akong pake.
Habang pinagbubulungan 'yon ng mga kaklase 'ko, pasimpleng tumitingin sa 'kin sina Nyx. Siguro dahil alam nila na ako lang naman ang hinintay ni Eros kagabi kaya ako lang ang may kasalanan kung ba't nagkaganon ang isang yon.
Ang problema, ang mga kasama niya ang pinatumba ko at hindi siya. Masyado ba siyang lampa para dalhin pa sa ospital? Kingina pala nila e. Masakit pa nga rin tyan ko dahil sa pagsisipa nila e.
Hindi lang nila ako maturo kasi wala naman silang ebidensya na ako ang may gawa non. Bukod pa ron, malalaman ng Dean at President kung bakit nagkita kami ro'n nung hindot na 'yon sa likuran. At anong sasabihin ko? Na aamin lang naman ang mokong na 'yon pero pinaabot pa nila sa ganitong sitwasyon?
Kaya habang nagbubulungan sila at tinitignan ako ay hinayaan 'ko na lang ang sarili 'kong panoorin ang madilim na kalangitan. Mukhang uulan na naman kasi, e. Nakakahiya naman sa araw. Ang tagal na naming hindi nagkikita pero dahil paborito 'ko naman ang ulan, 'di ako magrereklamo kahit kailan.
Bumukas ang pinto at pumasok si Miss Maranan, professor namin sa major class 'ko na Writing for Radio and Television. Palagi na lang kami may analysis sa kanya. Ayon 'yung palalabasin niya kami sa campus tapos paghahanapin ng mga bagay na marereport namin sa klase. Minsan 'ko na nireport sa kanya na maraming estudyante ang nagsstay sa canteen kaysa umattend sa klase nila. Ending, nalagot 'yung mga estudyante sa canteen. Delikado rin talaga ang professor na 'to kaya kaylangan mag-ingat sa mga nirereport sa kanya.
Wala siyang dalang chalk o mga kaartihan niya sa buhay. Madami na agad umangal kasi alam na namin ang ibig sabihin nito. Analysis time.
"Okay, class. We will have an analysis session. Get your paper and ballpen. I will give you the time today to go around the campus and report everything you saw, watched, and think is interesting enough to share in the class."
Puro ungulan na naman ang narinig 'ko kaya tinuon 'ko kay Miss Maranan ang atensyon 'ko. Pwede na siguro ako mag-isip kung anong masusulat sa paper 'ko. O kaya pwede naman sigurong magfocus ako sa mga basura, 'di ba? Pwede naman 'yon, e.
Tama tama. Tapos idadagdag 'ko rin 'yung mga kingina 'kong mga kaklaseng mga hindot. Tutal mga basura rin naman sila.
"Get ready, class! I will give you only two hours to investigate outside. At exactly 4 in the afternoon, be back here and we will have our broadcast." News flash: two hours lang ang binibigay niya sa 'min.
Tuloy, ito na naman ang maaarte 'kong mga kaklase. Panay arte sila na hindi nila kayang gumawa within two hours. Eh kingina pala nila, e. Pumasok pa sila sa broadcasting kung aarte sila na hindi nila kayang gumawa ng report sa loob ng dalawang oras? Mga hindot.
Kumuha agad ako ng papel at ballpen. Tumayo ako at lumabas. Kulang talaga ang dalawang oras kaya walang ibang choice kundi mag-double time. Ayon ang gustong ipagawa sa 'min ni Miss Maranan, ang mag-double time sa paghanap ng problema para maireport namin sa harapan mamaya.
Mabilis akong sinundan ng iba 'kong mga kaklase. Ang iba ay nag-uunahan pero ako ang pinaka nauuna. Bahala sila r'yan. Agawan 'to ng topic! Bumaba ako sa hagdan nang may sumunod pala sa 'kin.
YOU ARE READING
Odd One Out
FantasyBeing the odd one never scared the shit out of Iris. Being alone in the middle of the crowd doesn't bother her. Her bullies were not enough to make her stop doing what she wanted. Being the odd one never fascinates her but when the moon decided its...