(A/N; Hi guys may nakita akong convo stories at legit bhie ang sakit ng pagkagawa. So here I am ginawa ito. Sa mga nakakaalam basahin niyo po ang story ni Kajiah Kevvyne sa facebook dahil mapanakit ang story niya. Nagpaalam po ako na isusulat ko po itong story niya kaya po huwag niyo akong ibash. Kinuha ko na rin yung cover.)
YOU RUIN HER, DIDN'T YOU?
By: Hiscutiepie
Disclaimer: If you can't handle depressed topic please don't read this. Please pm me if I did it too much or comment it.
Kajiah Point of View
Maaga ako nagising para sa pakening online class ko. School is a bitch! Iyan lang ang masasabi ko. Ang daming pinapagawa akala mo naman tinuturo.
"Hoy Kajiah! Bumangon ka na nga d'yan! Wala ka na ngang inambag dito sa pamamahay!" Naiinis na sabi ni Ate sa akin at padabog niyang sinarado ang pinto ko.
Napabuntong hininga nalang ako at bumangon. Ayoko na magingay si Ate masakit pa naman ang sinasabi niya.
"Hoy Kajiah! Ano ba?! Lumabas ka nga d'yan!" Sigaw ni Ate sa labas ng pintuan.
Napatirik nalang ko ng mata. Hindi ba niya alam naliligo ako. Ang bobo!
"Ano ba Erika?! Ang ingay ingay mo ang aga aga ah!" Saway ni Mama kay Ate.
"Eh ang tagal lumabas ni Kajiah! Akala mo reyna wala naman inambag!" Naiinis na sabi ni Ate Erika.
"Manahimik ka diyan, Erika! Baka ihampas ko sa'yo itong tsinelas ko."Pagbabanta ni Mama kay Ate.
Napalunok nalang ako at pinigilan na umiyak dahil may klase pa ako at ayaw ko na magtanong pa sila.
Masakit? Sympre! Tangina... Ginawa ko naman eh. Para mahalin ako ni Ate pero bakit may kulang?
*ting*
Napangiti nalang ako ng nagmessage si Kyohei, ang boyfriend ko.
2 years lang ang agwat namin. Grade 12 na ako at Second year college na siya.
Kyohei;
Hey baby, let's date later after ng online class mo pero for now tutulungan kita sa topic niyo. Game?Napangiti naman ako, nagsuot muna ako ng white tshirt dahil kanina pa ako nilalamig dahil sa electric fan na nakatutok sa akin. Nagsuot na rin ako ng short at nagtext ay Kyohei.
Me;
Sure?
Sur|
Su|
No! Ang corny powta! Tinatry ko ulit magsulat ng meesage.
Me;
Sure! Excited na ako!
Sure! Excited na|
Sure! Excite|Napangiwi naman ako at dinelete iyon.
Me:
Sige ba! Basta libre mo. Tulungan mo ako sa biology!Sinend ko iyon at naghanda na para sa online class.
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Short StoryLahat ng storyang gusto ko isulat ay naririto. Ang picture sa book cover ko ay hindi sa akin. Credits to the rightful owner :)