Dear Bestfriend,
I'm too tired. Hindi mo alam iyan. Kasi never kong sinabi sa'yo. Never ko sinabi sayo ang mga hinanakit ko kasi alam kong busy ka. Tinanong ko sayo 'yong paano maging confidence at sinabi mo hindi iyon hihingi at ang way na pagiging confidence ay mahalin ay
tanggapin ang sarili pero ang sinabi ko 'yan 'yung bagay na hirap na hirap ako.So bess, nagseselos ako sayo nung nsgpatulong ka at ipaheart 'yong video mo kay mama. Tuwang tuwa siya ng makita kang nagluluto. Natutuwa rin ako pero nagselos ako nung nakita ko ang kislap ng mata ni mama nung nakita niya ang galing mo magluto. Ang bagay na matagal kong gusto makita, nakita ko nga ngunit hindi sa akin saiyo.
Umalis ako sa kwarto tumutulo ang luha. Naluluha ako kasi ansama kong bestfriend, ipagkumpara ko ang sarili ko sa isang katulad mo? Nasa iyo na ang lahat. Matalino, maganda, mabait, marunong magluto. Ako? Marunong lang ako magsulat bukod pa dun, hindi ako matalino,hindi ako maganda, hindi rin ako marunong magluto.
Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang earphones at cellphone ko at pumasok sa banyo. Pinatugtog ko ang Truth Untold slowed version . Masakit! Tagos 'yung sakit kasi kita kita ko kung gaano ako umiyak habang iniisip ko na ang sama kong anak at bestfriend.
Kinabukasan nagkasakit pero hindi ko sinabi nanganak rin yung aso namin April 1 yun sinabi ko yun sayo na nagseselos ako pero ginawa mong biro kaya sinakyan ko na rin kasi natatakot ako sa consequence na mangyayari kaya hindi ko sinabi...
Sinasabi ko sa sarili ko, perfect is overrated pero hindi ko maiwasan na ipagkumpara ang sarili ko sayo. Sorry.. Sorry.. Sorry.
Am I worth it to be your best friend?
I love you
Mahal kita
Love, your best friend.
Double update cause why not?
-Hiscutiepie
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Short StoryLahat ng storyang gusto ko isulat ay naririto. Ang picture sa book cover ko ay hindi sa akin. Credits to the rightful owner :)