DAHIL LANG SA VC
Hiscutiepie12
Apat kaming magkakaibigan. Last school year na namin dito sa eskwelahan na pinapasukan namin. Kung kelan patapos na doon pa kami naging close ganun.
Bale apat kami, ako si Ember ang pangalawa sa matanda pero laging tawag sakin ay bunso dahil sa height ko. Pangalawa naman ay si Brace, siya ang pinakamatanda samin at laging naglilibre samin ng pagkain. Si Nova naman ang tiktokerist namin na introvert magbestfriend sila ni Brace kaya mas kilala nila ang isa't isa parehas rin silang introvert kaya alam na alam nila ang galaw ng bawat isa. Si Julane or Juls naman ay ang new students namin wala masyado pumapansin sa kaniya dahil may lahi daw siya kaya kami na pumansin dahil naawa kami sa kaniya.
Sa kanilang apat ako lagi naiiba sa kanila. Kung tutuusin parang sampid ako sa kanila. Mahilig sila sumayaw, kumanta, magmakeup. Eh? Ako? Ayun gusto ko lang magbasa ng wattpat at maging valedictorian. Iyon lang! Wala akong time magmakeup, magtiktok, kumanta at lalo na ang pagsayaw. Kaya pag kasama ko sila lagi akong nahihiya dahil alam ko naman na sa una palang hindi na ako belong sa kanila.
Ikukuwento ko sainyo kung paano kami naghiwalay hiwalay ng DAHIL LANG SA VC.
"Ber, samahan mo ako sa cr!" Utos sakin ni Brace. Tumango lang ako sa kaniya at kinuha ang cellphone sa loob ng bag ko.
Kami kasi ni Brace ang cr buddies, malayo kasi sa room namin ang cr at yung dalawa di namin sinasama dahil tinatamad yung dalawa. Katamad rin naman talaga dahil 3rd floor kami at ang cr ay nasa 2nd floor katabi ng silid aralan.
Nagmadali na kami pumunta sa cr para umihi. Malinis ang cr dito sa 2nd floor kesa sa tabi ng grade 9 sa 3rd floor. Walang balak na linisin ng nga janitor at janitress ng school namin ang cr samin. Bali- balita daw na may nagpakamatay dun. Hindi pa naman sure pero pinapaiiwas rin kami ng nga teacher, adviser namin na wag umihi don.
Tapos na ako umihi. Si Brace nalang ang hinihintay ko habang wala pa siya. Idescribe ko muna cr dito sa 2nd floor. Medyo malawak ito may wash room kung saan pwede hugas kamay o kaya magpulbo pulbo ganun at may tatlong cubicle din.
Nang makalabas si Brace ay kaagad na kami umakyat sa 3rd dahil may 5 minutes pa para dumating ang unang teacher namin. Malapit na ang exam namin at may quiz ito kaya nagmamadali kami.
Sa aming magkakaibigan achiever ako. Sila naman ay pasado lang. Bilib nga ako sa kanila dahil hindi sila pinagsasalitaan ng nanay nila na masasamang salita habang ako ay prinepressure ng magulang ko.
______________________________________
Sa wakas naman ay maagang nagtapos ang klase. Wala pang uwian kaya nakangiti akong inayos ang bag ko at excited na ako pumunta sa silid aralan dahil namiss ko mag-aaral dun.
Ayaw kasi ng kaibigan ko na pumunta sa library inaantok daw sila maliban kay Jul kaya mas close kami."May pupuntahan ka, Ember?" Tanong sakin ni Nova na nakataas kilay.
Napabuntong hininga ako at tumango. "Oo pupunta ako sa library. Sama ba kayo?" Nakangiting sabi ko. Excited na talaga ako!
Umiling iling sila. Napakagat labi nalang ako. Sympre! Ayaw nila, Ember! Ang Bobo mo!
"Samahan ko nalang si Ember." Sabi ni Jul. Umiling iling naman ako. Kahiya naman at mukhang may pupuntahan sila.
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Short StoryLahat ng storyang gusto ko isulat ay naririto. Ang picture sa book cover ko ay hindi sa akin. Credits to the rightful owner :)