HYPOCRITE
Hiscutiepie
❕❗Warning: Suicide, Toxic Friends, Cyberbullying, Degrading words, Toxic Family. Depression ❕❗
A/N: READ AS YOUR OWN RISK! May warning po sa taas pakibasa please!
----------
Hindi ko alam kung saan nagsimula ang lahat. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Lahat ng tao galit sa akin, dahil nagseselos ako sa idol nila? Malii ba makaramdam ng selos? Mali ba na sinabi ko sa kaniya?
Ang daming tanong na kahit isa ayaw ko sagutin natatakot ako na baka mali lang ang interpretasyon ko. Na baka ako talaga ang may kasalanan.
Napabuntong hininga nalang ako at hinawakan ang kanang pisngi ko ng maramdaman ko na tumutulo na pala ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Mga masasakit na salita galing sa internet. Sino ba naman ako para magselos sa kaniya, diba?
Gusto ko siyang kamustahin. Gusto ko siya kausapin bakit ayaw niya maglabas ng statement. Kung bakit parang wala siyang ginagawa. Bakit hinahayaan niya lang husgaan ako ng mga subscribers niya?
Hinayaan ko lahat ng luha ko na lumandas sa pisngi ko. Mga luha na dapat kanina ko pa pinipigilan. May nga hikbi na umalis sa aking labi ngunit pinigilan ko ito lumabas.
Nasa local coffee shop ako. Sobrang tahimik wala rin masyadong tao dahil malakas ang ulan.
May isang lalaking umupo sa harap ng table ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko.
"Bakit umiiyak ka?" Nagaalala niyang tanong.
"H-hindi mo ba napanood y-yung vlog n-ni Mayumi...?" Humihikbing tanong ko
Umiling siya at ngumiti, kita kita ko ang cute na dimples niya. "Hindi. Anong meron sa vlog niya at umiiyak ka?" Tanong niya.
"Sinabi ko..." Mahinang bulong ko.
Tumango siya at pinunasan ang mga luha ko at ngumiti siya, kita kita ko ang dimples niya na ansarap kagatin. Kainis, ah!
Umorder siya ng dalawang caramel macchiato at isang blueberry cake. Pilit ako ngumiti, kumunot ang kaniyang noo hindi ko alam kung bakit.
At sa wakas huminto ang ulan. Napangiti naman ako at inubos ang caramel macchiato na binili ni Knoxx.
"Diet ka?" Tanong ni Knoxx. Siguro napansin niya na hindi ako kumakain ng blueberry cake.
Kaagad ako umiling at ngumiti naman siya. Sinubuan niya ako ng blueberry cake at kinain ko yun obviously. Minsan lang ganito si Knoxx lubos lubusin ko na sayang naman kasi.
"Tara na?" Mahinahong tanong niya sa akin.
Tumango naman ako at tumayo sa aking pinagupuan at inayos ang shoulder bag kong black. Inayos ko ang upuan ganun din si Knoxx at kaagad rin kaming lumabas sa shop.
Tahimik kaming naglalakad a highway. Basa ang daan kaya dahan dahan lang ang paglakad namin. Nakikita ko ang sumasayaw na puno. Napangiti naman ako.
Napatigil ako sa aking paglalakad ng tumigil si Knoxx at humarap siya sa akin. Tinaas ko ang kilay ko. Ngumiti lang siya at hinawakan ang dalawang kamay ko.
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Short StoryLahat ng storyang gusto ko isulat ay naririto. Ang picture sa book cover ko ay hindi sa akin. Credits to the rightful owner :)