12

6 0 0
                                    

ATE
Hiscutiepie

A/N: Hii guys! Sorry sa very very very late update. 'yung story na po ito base sa personal experience ko at
imagination ko. 'yon lang. Salamat sa 50+ reads!! Ang saya ko po dahil nakaabot ako ng 50+ reads! Enjoy reading.

______________________________________
_______________

HINGAL na hingal na ako kanina pa kasi kami sumasayaw sa main dance namin. Naiinis na ako dahil kanina pa kami paulit ulit at sa sarili ko na rin dahil ilang beses na rin ako nagkakamali kaya nagsisimula kami ulit.

"Ayos ka pa ba bunso?" Tanong nang choreo namin.

Ngumiti lang ako ng peke at hindi na sumagot. Siguro nahalata nila na hindi ako masyado gumagalaw ng maayos at malungkot. Nagkaroon lang kami ng maliit na away ng Ate ko.

"Five minutes break!" Sigaw ng ni Kuya Emel (Choreographer namin)

Malakas nagsigawan ang mga ka-teammates ko. Umupo lang ako sa sahig kung saan nakalagay ang mini bag ko. Binuksan ko ito at kinuha ang tumbler ko at uminom ng kaunting tubig. Kinuha ko na rin ang panyo ko para punasan ang aking pawis.

May naramdaman akong tumabi sakin. Hindi ko nalang ito pinansin kilala ko naman na kung sino. Si Giovanni, ang crush ko.

"Ang tahimik mo ngayon, Iris." Bungad na sabi sakin ni Gio

"Ayos lang ako." Ayon lang ang aking sinabi.

Kumunot ang kaniyang noo at hindi nalang niya ako pinansin. Napabuntong hininga nalang ako at binalik ang tumbler ko at panyo sa mini bag at kinuha ang phone ko.

Chinat ko si Ate para kunin ang card ko at mga requirements para makalipat na ako ng school.

"Sasama ka?" Tanong sakin ni Gio. Napakunot ang aking noo. Nahalata siguro ni Gio. "Sa 7/11 lang. " Dugtong niya pa.

Umiling ako. May pera pa naman ako kung tutuusin pero wala talaga akong gana. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Ayoko na rin alamin.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas pero ang utak ko ay lumilipad. Bigla tuloy ako kinabahan hindi ko nga alam kung ano 'yong dahilan.

"Nagtext sa'kin ang ate mo sakin. Hinahanap ka. Mukhang galit nakacaps nga siya magtype, eh " Pagkukwento ni Gio sa akin.

Napatayo ako sa gulat. Akala ko kasama siya pumunta sa 7/11. Hindi pala!

"Ha?" 'yon nalang ang nasabi ko.

"Ate mo nagtext hinahanap ka. Binigay ko ba yung location natin?"
Nag-aalalang tanong ni Gio sa'kin.

Napaupo nalang ako sa tabi niya at tumago. "Sige lang. Sabihin mo na baka sayo naman 'yon magalit." Pang-aalo ko sa kaniya.

Kaya naman pala ako kinakabahan dahil hinahanap pala ako ng ate ko. Hindi ko mapigilan na mag-overthink.

Na baka hindi ako makatransfer ng school. Na baka may bagsak ako sa card. Na baka pagalitan ako ni ate. Baka nakita ni ate na may 36/50 ako sa test.

"Stop over-thinking, Iris. Nakakahawa!" Saway sakin ni Gio.

Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay nakangiti lang na pang-asar.

Ilang minutes na rin at tinawag na kami ng choreo namin para umpisahan ulit ang main dance namin. 2nd day palang ng practice at hindi ko alam pero nasa main dance na kami (main dance = ending/outro) finishing nalang ang kulang at formation at blocking.

MY ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon