Hindi ako pansamantala,
na pagkatapos mong gamitin ay isasantabi mo na.Hindi ako pansamantala,
na pagkatapos mong pagsawaan ay hahanap ka na ng iba.Hindi ako pansamantala,
na pagkatapos kitang mabuo ay sisirain mo na.Hindi ako pansamantala.
Hindi ako isang laruang pambata na kahit buo pa ay magpapabili kana ng iba—'yon bang mga bago at kaakit-akit sa'yong mga mata.
Hindi ako isang musikang kay ganda na matapos pagsawaan ay madali na lamang palitan basta-basta.
Hindi ako isang putahe ng pagkain na pampagana na matapos malasahan at hindi magustuhan ay maghahanap na ng iba.
Hindi,
Hindi ako pansamantala.—✍ Leia
BINABASA MO ANG
Unsaid Words
PoetryThis book is a collection of unsaid words and thoughts expressed through poems and random letters. Whichever works written in here does not contain happiness but the author's sadness.