Sa bawat pagkurba ng aking labi, kapalit ay hindi mo pananatili
Sa bawat higpit ng aking mga yakap, kapalit ay unti unti mong pagbitiw
At sa bawat salitang "mahal kita", kapalit ay "ayoko na, hindi ko na kaya."Hindi natin maaaring pilitin ang taong pagod na,
Ang taong di na muling sasaya pa sa piling ng kanyang sinisinta
Ang taong nahanap na ang kasiyahan sa piling ng iba.
Ang taong matagal ng sumuko sa laban ninyong dalawa.Kay sakit makitang nangniningning ang iyong sintang bituin
Ngunit hindi para sayo.
Kundi para sa bagong tinitibok ng kanyang puso.Masakit magparaya
Oo mahirap
Ngunit wala ka ng magagawa sa isang taong hindi mo na muli pang makukuha.— ✍ 𝓛𝓮𝓲𝓪𝓹𝓸𝓽𝓼
BINABASA MO ANG
Unsaid Words
PoetryThis book is a collection of unsaid words and thoughts expressed through poems and random letters. Whichever works written in here does not contain happiness but the author's sadness.