"BILANG TAYO ISA HANGGANG SAMPU"
Hanggang kailan kaya matatapos ang paulit ulit kong pagluha
Hanggang kailan kaya mananatili ang mga ala ala
Hanggang kailan ko kaya pupunasan ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking mga mata
Hanggang kailan kaya ako aasa na maayos pa
Isa, isang katulad mo na hindi ko inasahang darating sa buhay ko
Para pasayahin ako, para patawanin ako
Para sabayan lahat ng trip ko at higit sa lahat di ko inasahan na may ISANG katulad mo na mamamahalin ako ng totoo
Dalawa, dalawang salitang tumatak at nakatatak sa puso ko, noon hanggang ngayon
MAHAL KITA, naalala mo pa ba yon?
Dahil ako oo, dahil kahit lumipas man ang panahon, di ko makakalimutan yung oras na sinabi mong "MAHAL KITA"
Tatlo, tatlong salita ang lumabas sa aking mga labi
"MAHAL DIN KITA"Syempre kinilig ka sabay titig sa aking mga mata
Na parang nangungusap sila
Apat, apat na beses kitang tinawagan
Apat na oras akong nag intay sa ating tagpuan
Inisip ko na baka tinatapos kalang o may pinagkakaabalahan
O naiwanan mo yung telepono mo sa sasakyan
Lima, limang eroplano na ang dumaan ngunit wala ka parin, nasan kana ba?
Darating kapa kaya? O maghihintay lang ako sa wala
Nakakapagod ng maghintay sa kawalan na dating kalangitan
Nakakapagod ng maghintay sa buhanginan na dating karagatan
Nakakapagod ng maghintay sa taong walang ibang alam gawin kundi magdahilan
Anim, anim na buwan na tayo mahal ngunit bakit ganito?
Parang ako lang yung kumakapit at lumalaban sa laban ng pag ibig na to
Parang ako lang, parang walang ikaw, walang TAYO
Ano bang tingin mo saken? Laruan na pagtapos mo laruin ay iiwan mo?
Damit na pag may bago na isasantabi mo?
Pusa na kapag maingay ililigaw mo?
Dahil mahal, tao ako
May pakiramdam, nasasaktan, pero lumalaban
Lumalaban sa pagitan ng TAYO sa KAYO
Walo, walong bote na ang aking naubos
Ngunit wala ka parin, ilang luha na ang bumuhos
Ilang luha na ang umagos
Ngunit tatlong salita na tumapos
Sa anim na buwan na ako lang yung lumalaban
Na ako lang yung nagpapakatanga at nahihirapan
Na ako lang yung kumakapit pa sa taong matagal na pala akong gustong bitawan
Siyam, siyam na beses kong binalikan yung mga ala ala
Kung bakit tayo humantong sa ganito at bigla nalang nag iba
Bigla nalang nagbago at yun ang aking pinagtataka
Yung ang aking pinagtataka?
Ngunit naalala ko yung text mo sakin nung gabi na di tayo nagkita dahil sabi mo may tatapusin ka
Naalala ko yung sinabi mo saking " salamat sa oras mo, napasaya moko ng sobra "
Ngunit naalala ko na di tayo nagkita, di kita nakasama
Sampu, sampung ulit kong tinanong ang sarili ko kung san ako nagkulang
Dahil naalala ko nung gabi na di ka nagpakita, di ka nakapunta
Ni di mo sinasagot yung mga tawag ko,
KASI NGA KASAMA MO SYA, KASI NGA SOBRANG SAYA NYONG DALAWA
Habang ako, nakaubos na ng walong bote, isang timbang luha, at isang milyong pag asa na darating kapa
Dahil lagi naman ganun diba?
Nakabilang na ko ng isa hanggang sampu bago ako magdesisyon
Bago ko hinanda ang sarili sa panibagong bukas, panibagong buhay at panibagong pagkakataon
Nakabilang na ko hanggang sampu bago ko bitawan ang mga salitang matagal ng nakatira dito
Matagal ng gustong lumabas sa pinagtataguan nito
Sa wakas natapos ko na din ang pagbibilang mula isa hanggang sampu
At gusto ko lang na malaman mo na pinapalaya na kita, hinahayaan na kitang maging masaya sa iba,
hinahayaan na kitang sumama sa kanya
Mahal kita pero masakit na
BINABASA MO ANG
Unsaid Words
PoésieThis book is a collection of unsaid words and thoughts expressed through poems and random letters. Whichever works written in here does not contain happiness but the author's sadness.