39 - Lagot

43 3 0
                                    

Maika's POV:

"It's rude to stare, sweetheart!" wika niya.

Nahiya ako bigla dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya habang kumakain kami ng almusal. Magkatabi kaming kumakain sa 4-seater round table na nasa dining area ko malapit sa kusina.

"Sorry. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na kasalo kita ngayon sa almusal." paghingi ko ng paumanhin.

"Get use to it. We will be doing this till we grow old, Babe. Gusto ko ikaw ang kasalo ko sa pagkain araw-araw."

Gusto kong maiyak sa sinabi niya pero pinigilan ko. Sobra ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Tinampal-tampal ko ang aking pisngi dahil baka sakaling magising ako sa katotohanan at bigla nalang siyang maglaho sa tabi ko.

"Still you can't believe it? Maybe this will help, sweetheart." wika niya sabay dukwang at naramdaman ko nalang ang labi niya sa mga labi ko.

Banayad na paghalik ang buong puso kung ninamnam sa mga sumunod na sandali.

"Is that enough to prove that you're not dreaming, Babe?" tanong niya matapos bitiwan ang mga labi ko.

Wala sa sariling napatango ako sa tanong niya saka nagbawi ng tingin. Hindi ko maiwasang mahiya.

"Good! Now eat your food. I'll be leaving after breakfast. I need to be there before 7:30."

Bigla akong napatingin ulit sa kaniya dahil sa huli niyang sinabi. Gusto kong itanong sa kaniya kung sino yong pinupuntahan niya bago pumunta nang opisina pero ang isang bahagi ng utak ko ang ayaw sa ideyang 'yon.

Bigyan mo naman nang oras na maging masaya ka, Maika! Saka mo na isipin ang iba.

Hiyaw nang isip ko na kusa kong sinunod saka nagpatuloy sa pagkain kahit na tumututol ang isang bahagi nun. Pero hinayaan ko. Hindi ko muna iisipin kung sino siya. Ang mahalaga ay kung anong nasa harap ko ngayon at yon ay walang iba kundi si Santi.

Ngunit kahit anong waglit ko sa isip ko king sino siya ay bigla kong naalala ang babaeng sinundo ni Santi sa flower shop. Naisip ko na baka siya yong pinupuntahan ni Santi sa mansyon.

Biglang nalungkot ang puso ko. Kumpara sa babaeng yon ay wala akong laban sa ganda, sa tindig at lalong lalo na sa estado sa buhay.

Bakit hindi mo siya tanungin? You deserve the truth girl! bulong ng isip ko.

Kaya ko na bang malaman ang totoo? Kaya ko bang tanggapin kung anuman ang malalaman ko? Handa ba akong tanggapin kung anuman yon?

Mga tanong na nagpatigil sa akin ng saglit na hindi nakaligtas sa paningin ni Santi.

"What's wrong, Babe?" tanong niya.

"H-Ha? Ahm, wala. May naalala lang ako." pagsisinungaling ko sabay ngiti sa kaniya.

This is not the right time. I don't want to ruin what we have right now.

"Are you sure? You seem bothered. You know you can tell me whatever it is that's bothering you. I'm always here to listen."

"Wala nga. Tapusin mo na yang pagkain mo at male-late kana." paalalang utos ko sa kaniya sabay subo ng pagkaing nasa kutsara ko.

"Be ready by 6pm, Babe. Sunduin kita dito tapos diretso na tayo sa mansyon."

"Mamaya naba yon?" bumundol ang kaba sa dibdib ko ng pakawalan ko ang tanong na yon.

Kahit anong iwas ang gawin ko kung iaadya nga naman talaga ng tadhana ay mangyayari't mangyayari pa din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meeting MR. ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon