4 - Kondisyon

372 17 12
                                    

Crisanto's POV:

Ganito lang ba talaga siya kasimple? Softpants na black and white stripes with white sleeveless blouse na pinaresan ng flat shoes na beige lang ang suot niya. Sobrang simpleng kasuotan but it made her look extraordinary.

Sobrang ganda ng mukha niyang walang bahid na koloreteng kadalasan ay gamit ng mga babae.

Ito na ba siya? Ang babaeng nang-iwan sa akin sa kama? It's too bad for my ego lalo na't first time nangyaring nag-uwi ako ng babae sa bahay pero wala man lang nangyari sa'min. Worst ay nagising akong nag-iisa sa kama ko.

She must pay for what she did. For leaving me that easy. Wala pang babaeng nakagawa sa'kin nun. Siya pa lang ang una at titiyakin kong siya din ang huli. Kailangan ko siyang turuan ng leksyon.

''Anong pa bang pag-uusapan natin? Kailangan ko lang kunin 'yong bag ko.'' ramdam ko ang inis sa boses niya.

''After running away that morning, you think it's that easy to let go of your belongings?''

''I didn't run away! I just realize it's a mistake! Bunga lang 'yon ng kalasingan.'' wika niya na mas ikinasingkit ng mga mata ko.

Bunga ng kalasingan? Ibig ba niyang sabihin na hindi totoo 'yong mga sinabi niyang papuri sa'kin habang halos maglambitin siya sa leeg ko? Bunga lang din ba ng kalasingan 'yong mga ginawad niyang halik sa'kin?

Damn this woman! She's fucking ruining my confidence!

''So ganun ka pala kapag nalalasing? Kulang nalang ay ikadena mo 'ko para hindi ako makawala sa'yo. You even kissed me first.''

''What? I don't believe you! You're just making up stories. Give me my bag and you won't see me ever again!'' may inis na sa boses niya habang unti-unting gumagapang ang pamumula sa kaniyang mga pisngi.

Damn! She's cute when she blushes!

''Not gonna happen, baby! You even deserve some punishment for running away. No one ever run away from Crisanto Rodente!'' nilagyan ko ng diin ang pagkakasabi ng huling pangungusap para iparating sa kaniya na seryoso ang sinasabi ko.

Wala pang babaeng nakagawa sa'kin ng ganun. Ako ang nang-iiwan at hindi sila. Kaya naman galit ako sa ginawa ng babeng ito.

''Let's just forget it happened. Wala namang nangyari kaya pwede ba kalimutan na natin 'yon. Pakibalik na ng bag ko para makaalis na'ko.''

''How sure are you that nothing happened between us when you can't even remember me?'' paghahamong tanong ko sa kaniya kahit alam ko na totoong walang nangyari sa amin nang gabing 'yon.

''Ha? Ahm . . . a-ano. . . ah. . .''

''See? You can't even answer me. Why can't you say it again that nothing happened? I'm not a saint in bed, babe!"

''Basta alam kong walang nangyari. Pwede bang itigil na natin 'tong kalokohang 'to? Give me back my bag, Mister!"

I saw her fist clenched when she uttered the last word.

Ibalik? Tapos ano, tatakbuhan na naman niya ako? No way! No fucking way!

"Okay! I will give you what you want but. . . in one condition." natuon ang atensiyon niya sa akin nang marinig ang sinabi ko.

"Kondisyon? Bakit kailangan pang may kondisyon? Hoy Mister! Hindi mo ako utusan para sumunod sa lahat ng gusto mong sabihin. That's my bag and I have the right to get that."

I guess I'm really testing her patience now dahil tumayo na siya sa kinauupuan niya at nakapamewang na rumaratrat sa harap ko.

Ang cute niya tingnan kapag naiinis.

"I know that but it's in my custody right now and you have no choice but to follow me if you want your bag back."

"I can sue you, Mister! Pagnanakaw 'yan." gusto kong matawa sa mga sinabi niya.

"Pagnanakaw? And how are you going to explain the whole scenario? Ninakawan kita after a lustful night affair? Do you really want to tell the world that?" I look at her intently habang nakadukwang sa harap ng mesa ko.

"Ang bastos mo!" inis na wika niya.

"I'm just giving you a clearer view in case you forgot what happened. I'm not afraid to tell my side of story."

"Ganiyan ka ba talagang klase ng tao? Arogante? Mayabang? Ano bang mahirap sa hinihingi ko? You can easily give my bag back. Bakit mo ginagawang kumplikado ang sitwasyon?" nanggagalaiti na siya sa galit. Feeling ko sasabog na ang tinitimpi niyang galit anytime soon.

Something inside me wants to give in to her requests especially seeing her almost miserable in dealing with the situation but my ego is telling me to teach her a lesson. Wala pang babaeng nang-iwan sa akin nang ganun-ganun lang.

Ikaw pa lang ang nang-iwan sa akin, Maika del Sol. You're gonna pay for it.

"You want your bag back? Then sumunod ka sa kondisyon ko. That's the easy way out of this situation, babe." patuloy kong panunukso sa pagtitimpi niya.

"Fine! Para matapos na 'tong kalokohang 'to. Anong kondisyon?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Bumalik ako sa pagkakaupo at kumportableng isinandal ang aking likuran sa silya ko.

"Are you sure you will follow what I say?

"Do I have a choice? Wala naman di ba? Ano pa bang magagawa ko?" Bilisan mo na at may meeting pa ako."

"Cancel your meeting for today. . .and for the rest of the week." utos ko sa kaniya habang matamang nakakatitig sa kaniyang mukha.

"What? Are you out of your mind?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.

"I'm perfectly sane and perfectly fine. How about you?" may ngiti sa labing tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako okay. Nabubwisit na ako sayo!"

"I can obviously see that. Now, learn to be immune with my charm dahil starting today, you will be my personal assistant until the end of the week. That's my condition. Take it or leave it!"

😹😹😹😹😹😹😹😹😹

Hello guys! Nagsisimula na ang pag-ikot ng mundo ni Maika sa mundo ni Crisanto.

Papayag kaya si Maika sa kondisyon ni Crisanto?

Magkakasundo kaya sila kung ngayon Pa lang ay riot na ang kinasuungan nilang dalawa?

Abangan ang sagot ni Maika sa next chapter guys.

Please don't forget to vote and share.

Mwaaahhhh

Meeting MR. ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon