28 - Overstaying

227 7 0
                                    

Maika's POV:

Halos dalawang linggo ding namalagi sa ospital ni Nanang matapos ang kaniyang operasyon.

Hindi ako pinapasok ni Crisanto sa opisina kahit pa igiit ko na pwede na akong pumasok nung pangatlong araw na mailipat sa kwarto si Nanang.

"Just take this time to rest. Kailangan mo din yon. Tsaka mas maigi na narito ka kasama ni Tito Roberto para di siya mapagod masyado." ang sabi niya nung mag-usap kami saktong dumalaw siya kay Nanang sa ospital.

Na-appreciate ko yong pag-aalala niya para sa mga magulang ko.

Paalis na siya nun nung samahan ko siya palabas ng ospital. Gusto ko din siyang kausapin na malayo kina Nanang at Papa para masabi ko sa kaniya ang gusto kong sabihin.

Hindi ko maiwasang mapaisip minsan dahil sa mga ginagawa ni Crisanto. Hindi ko matukoy kung pagpapanggap pa rin ba itong lahat ng ginagawa niya. Nakokonsensiya tuloy ako sa isiping natali siya sa isang obligasyon na hindi niya naman dapat sana siniseryoso.

"Hayaan mo, kapag naging maayos na ang lagay ni Nanang, sabihin na natin ang totoo. Para hindi ka na mahirapan sa pagpapanggap sa harap nila."

"And who said I'm having a hard time, sweetheart?" napangiti niyang tanong pero hindi umabot sa mga mata niya.

Hindi ako sigurado pero parang may kudlit ng pait akong nasilayan sa mga mata niya.

Sa totoo lang, nakasanayan ko na ang pagtawag niya sa'kin ng sweetheart o di kaya ay babe. Kahit di ko aminin ay masarap sa pakiramdam na may tumatawag sa akin ng ganun. Kaya nga lalo kong gustong sabihin na ang totoo kasi ayokong masyadong masanay sa lahat ng mga ginagawa at pinaparamdam ni Crisanto sa'kin.

Ang sabihin mo, takot ka lang ma-fall, Maika!

Siguro nga ganun. Takot akong mahulog sa kaniya dahil takot akong masaktan. Palabas lang ang lahat ng 'to kaya hindi ako dapat magpadala sa bugso ng damdamin ko.

Nung mga sumunod na araw ay walang palya sa pagdalaw si Crisanto sa ospital pagkalabas nito sa opisina. May dumadating na bulaklak para sa amin ni Nanang bawat umaga. Kahit sinaway ko na siya ay ayaw pa rin paawat.

Naglie-low lang siya nung sabihin ko sa kaniyang nagmukha nang flower shop ang kwarto ni Nanang. Pero hindi ko pa rin siya napigilan nung siya na mismo ang nagdadala ng flowers with matching dinner pagdalaw niya sa ospital gabi-gabi.

Naging routine tuloy namin na kasalo siya sa hapunan. Nung minsang nagpang-abot sila ng mga kuyang ko ay para kaming may reunion. Naluha tuloy si Nanang nung makitang kumpleto kami kasama si Crisanto.

Kung iba lang sana ang sitwasyon at totoo ang relasyon namin siguro ay magiging masaya ako at hindi ganito na inuusig ako ng konsensiya ko dahil alam kong palabas lang tong pinapakita namin.

Kaya nung minsang ihatid ko ulit siya sa labas Ng ospital ay sinabi ko ulit sa kaniya Yong tungkol sa plano kong pag-amin kina Nanang. At gaya nung dati, ganun pa din ang sagot niya. Ewan ko kung dapat ko bang seryosohin Yong mga patutsada niyang sagot sa'kin. Nakakalito siyang tao. Lahat Ng pinapakita at sinasabi niya at taliwas sa napagkasunduan namin. Siguro Yong pagpapanggap lang sa harap Ng pamilya ko Ang nasunod.

"Basta yon ang gagawin ko kapag okay na talaga si Nanang. Tsaka yong mga nagastos mo sa ospital at operasyon, babayaran ko yon Crisanto. Huwag ka mag-alala."

"You're thinking too much, Babe. Hindi naman kita sinisingil ah. Besides, pababayaan ko ba ang girlfriend ko? I'll take care of you remember?"

"Kainis naman eh. Seryoso ako tapos ganyan mga banat mo. Kelan ka ba magseseryoso ha?"

Meeting MR. ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon