WA 12 - Cold Corpse

98.3K 3.2K 123
                                    

Again, your comments will be highly appreciated.

CHAPTER TWELVE

COLD CORPSE

I sat and heaved a sigh. This will going to be a tough day... again. Mukha akong binagyo dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Idagdag pa na kanina pa ako kinakabahan sa mga ipapagawa ni Rachel sa amin. Hindi na rin maulan sa labas kaya tirik na tirik ang araw.

"Can you walk faster? Bagal naman." The most impatient freak of all time. Uryll.

"Oo na!" I shouted back.

We're in a trek. It's part of the training. Nasa isang hill kami ng Nydumm. Malawak ang lugar at tanaw ang ibang parte ng Nydumm sa ibaba. The clouds look so fluffy from above.

Hinawi ko ang buhok ko at pinunasan ang pawis na nasa noo. Tumatagaktak na 'to dahil sa init... Malapit na kami sa pinakatuktok kaya mainit-init na nga. Hindi kagaya sa baba na maraming puno kaya kahit papaano ay natatabunan kami laban sa sinag ng araw. Talagang malawak ang lugar. Hindi na nga lang tanaw mula rito ang Academy.

I asked Rachel about that and she said, the Academy is under a protection spell kaya hindi basta-bastang nakikita. Sabi niya rin na hindi lang Worthwood Academy ang natatanging paaralan sa Greacugon. Ugrukum Clan has their own school. They train their kind and such. Hindi lang daw talaga nagkakasama ang tatlong clan sa iisang pagtitipon dahil iba-iba naman daw ang mga kakayahan.

"It's quite a view, isn't it?" Rached asked. Beside her is Uryll. "Peaceful... Fresh air... Away from any chaos. I always wanted to love in a place like this. And yeah, I did." She uttered and took a deep breath.

"Pwede bang magpahinga muna tayo?" The man beside her asked. Tinaasan ko siya ng kilay at ganun rin ang iginanti niya sa akin. "What are you staring at?" He hissed.

My lips curled up and rolled my eyes heavenwards. "Nothing." I shrug it off.

"Okay." Rachel muttered. "Let's rest for a while and after that we'll continue walking all the way to the peak."

Naghanap kami ng pwedeng masilungan. Luckily, hindi puro Volq ang meron sa Nydumm. There are a lot of big trees just scattered all over the place. Medyo may kalakihan na dahil sa tanda. Nakakatakot lang dahil parang may creepy na nangyayari rin kapag napapalapit kami. Para kaming hihigupin sa loob dahil sa laki nito.

I tried to close my eyes to take a nap for a while. Hindi ko lang nagawa dahil tumabi si Rachel sa akin. Napanuod ko pa kung papaano niya pinunasan ang noo dahil sa pawis. Her hair is perfectly combed. Mapapansin na rin sa balat niya na malapit na mangulubot. She's not yet that old, pero parang pagod na siya sa lahat.

Napalingon siya sa akin, "Nathalia..." She calls. I look at her, at hindi na rin sa akin ang tingin niya. Derecho ang tingin niya sa harap. "My brother was once like you. Sidney has the Fire Imaclum too." She uttered. Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. "Katulad mo siya kasi hindi rin 'yon nawawalan ng pag-asa at hindi siya madaling sumuko sa kahit anong ipapagawa sa kanya. The difference is, he was treated like an animal."

That shook the living daylight out of me. "An animal?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya.

She nods as she confirms my speculation. "Oo... An animal that can kill them anytime." She sighs. Pero hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa kanya. "As for you, may mga naging kaibigan ka kaagad pagpasok mo pa lang sa Academy. Pero siya?" umiling siya na para bang masakit sa kanya na balikan ang nakaraan. "Wala ni isa ang gustong lumapit sa kanya. I hate how he managed to smile at them kahit alam kong nasasaktan siya. Akala nila, anak siya ng demonyo. Akala nila masama siya. He went to Worthwood, I was graduating at that time, kitang-kita ko ang hirap ni Sidney. He was bullied here and there. Walang pinipiling lugar." I felt the pang in my heart. Damn it! Occassional lang kung matambangan ako, pero hindi kagaya ng sa kapatid niya. Siguro nga, maswerte pa rin ako. "You know what? Maswerte pa rin kayo kasi kayo ang napili na humawak ng ganyang kapangyarihan. Fire Imaclum is the rarest. Hindi pwedeng sabay na mabuhay ang taong may kapangyarihan ng apoy."

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon