WA 23 - Physical Transitions

74.3K 2.6K 1.1K
                                    

Surprise!!!! Please join my group in fb "Louise De Ramos' Stories'. I created new twitter account too @loys_dr solely for my readers. Your comments will be highly appreciated! 3 more chapters before epilogue ;)          

CHAPTER TWENTY~THREE

PHYSICAL TRANSITIONS

I stare at them blankly. Hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. Para akong na estatwa habang kaharap silang dalawa ni Mama. I tried so hard not to think too much... but I can't help it! What in the world is this? Damn! Zantur is right. My father is really alive.

Hinawi ko ang kamay ni Uryll na nakasuporta sa akin. I do not fucking need his help now! I can face this on my own. Ayokong kaawaan. Damn! I'm such a mess.

He hissed.

I know that he's just here to babysit me. Hindi ko alam kung bakit narito siya at ano naman ang magiging pakinabang niya sa nangyayari ngayon. He hates me and that should stay that way. I can take good care of my own now. Problema ko 'to kaya wala na dapat siya rito.

Nanginginig akong nakatingin sa mga mata ni Papa. For the past years... inakala kong ako ang pumatay sa kanya. Akala ko nang dahil sa akin... Dahil sa matigas kong ulo... Dahil sa hindi ako marunong makinig... Dahil sa akin namatay ang maraming tao. Hindi ko man sinadya ang mga nangyari dati, pero hindi ko lang talaga kayang I-kontrol ang sarili ko. Pinagsisihan ko nang ilang taon ang ginawa ko. I even locked myself para umiwas sa lahat.

Lumapit siya sa akin "Nathalia... anak,". Nanatili akong nakatayo sa harapan niya. Ayaw kong maniwala sa nakikita ko. Bakit siya nandito? Bakit siya nasa bahay? Bakit? "Nathalia... ang laki ng ipinagbago mo."

"Sino ka?" Deretsyahan kong tanong.

Nakakagago kasi talaga para sa akin ang lahat ng 'to. Ayoko maniwala na nandito siya sa harapan ko... buhay at kinakausap ako.

Natigilan siya sa naging tanong ko. Napalunok at nag iwas ng tingin pero ibinalik rin sa akin. "A-ako 'to anak... Ako ang Papa mo." Malumanay niyang sagot sa akin. Kitang-kita ko kung paano pumungay ang mga mata niya. Ganoon parin... Eyes like mine.  Manang-mana ko nga.

I feel like looking at my own reflection.

Umiling ako. "Patay na ang Papa ko... Pinatay ko siya." Mariin kong sagot. "Huwag mong sasabihin ulit sa akin na ikaw siya dahil hindi!"

Wala talaga akong ibang maisip kundi ang nangyari dati. Parang kailan lang nung nangyari ang trahedya pero parang kahapon lang sa akin. Akala ko talagang napatawad ko na ang sarili ko pero hindi pa pala talaga. I just thought. Habang nakatitig ako sa kanya, parang huminto ang lahat sa paligid namin. It feels like just me and my father's apparition in the center of this small living room.

Gusto kong magmura ng ilang beses dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ngayon. Nabigla ako nang may mga brasong yumakap sa akin. Humagulgol na siya bago pa man ako makabalik sa ulirat ko. Namumuo na rin ang mga luhang nagbabadyang umagos.

Ayoko nito!

Ayokong maging mahina ulit!

Ayoko na.

Pwede bang kahit ngayon lang, wala munang ganito? Wala munang masasakit na pangyayari? Gusto ko lang naman makuha ang mga sagot sa tanong ko. Pero bakit ang hirap makuha? Bakit kailangan pa talagang isampal sa akin na seryosong kasinungalingan lang lahat ng akala ko ay totoo sa buhay ko.

Hindi ko binalik ang yakap ni Mama. Ayoko lang. Tulala lang akong nakatingin sa buong tanggapan namin. Ganoon parin... Ganitong-ganito pa rin nung iniwan ko ang bahay namin.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon