WA [DR] 39 - You're My End Game

48.3K 1.9K 754
                                    

Some will be happy for this chapter and some will not. Ship sailing or sinking?

Comments will be highly appreciated.


WA 39 – You're My End Game

Bakit sa mga ganitong sitwasyon, palagi na lang akong nasa infirmary? Even in my dreams, I always end up in this place. Wala na bang ibang lugar? Battles, trainings, accidents... dito ako palagi bumabagsak. Am I that troublesome?

Napangiwi ako dahil sa biglaang pagkirot ng likod ko. "Don't move too much." Mariing sinabi ni Briz habang nakahalukipkip at nakasandal sa upuan. "Hindi pa magaling ang mga sugat mo sa likod." He added. He's now wiggling his brows as if he's teasing me into something very suspicious.

I rolled my eyes. "Can I go back to the dorm?" Tanong ko. I'm sick of this place. Ayoko na rito.

"Nope." Emphasizing the 'p'. "I told you, you still have wounds. It must be treated here well."

"Hindi ba pwedeng sa dorm na lang ako, tsaka pupunta na lang dito kapag magpapagamot ako?" I frequently asked.

He shook his head and said, "Ang tigas ng ulo mo, T. Hindi nga pwede."

Urgh. Ayoko na kasi rito! "I'm bored." May malaking bintana na tanaw ang kabundukan ng Greacugon. It saddened me when I can't see the sea. Malayo pala talaga 'yong pinuntahan namin dati ni Briz.

That was too memorable.

Halos manigas ako sa kinahihigaan ko dahil sa sagot ni Briz, "So do I. Naumay na ako kakatitig sa mukha mo habang natutulog ka." He ended it with a sneaky chuckle. "You know what, T? Ang cute mo pala kahit natutulog. Humihilik ka pa." Mas lumakas pa ang tawa niya.

Para akong binuhusan ng malamig ng tubig. "Y-you... you what?" Dahil sa biglaan kong pagsigaw, napangiwi ulit ako dahil sa kirot na nanggagaling sa likod ko. "Aww..." Mahina kong sambit at napaliyad dahil parang kinukurot isa-isa ang bawat parte ng likod ko.

"Easy, troublemaker." Tumayo siya at pinitik ako sa noo.

"Masakit Briz." Sabi ko. Inirapan ko siya at tumagilid. "Kwentuhan mo na nga lang ako... Ano bang nangyari at papaano ako napunta pabalik dito sa Worthwood?"

"It's an interesting topic, T... Gusto mo talagang malaman?" Diretsahan niyang tanong at umupo sa tabi ko. Dahil nakatagilid ako, kaharap ko siya. Pero sa sinabi niyang 'yon, nakaramdam ako ng kaba. Why? May rason ba para kabahan ako ng ganito? "Are you really sure?" He asked once again.

"What are you saying? Is there something that I should be worried of?"

Nagkibitbalikat siya, "I don't know. But it will haunt you down even in your sleep." He sneakily grin.

Kumunot ang noo ko. Something that will haunt me down even in my sleep? What the fuck is that? I hate having this feelings. "Spill it. What happened to me after the attack?" I asked it straight into his eyes.

Huminga siya ng malalim at inayos ang kumot ko. "Okay... Listen," umiwas siya ng tingin bago huminga ulit ng malalim. "After you pushed them, ikaw ang natamaan ng ibinugang apoy nang dragon na kinakalaban niyo." He grimaced, "You've lost your consciousness and you collapsed. The guy from Clefwiths, siya ang bumuhat sayo para mailayo ka sa panibagong pag-atake ng dragon." It was Billy, for sure. Siya lang ang kasama naming lalake maliban kay Uryll.

"They panicked when you didn't respond. Totally passed out ka kaya itinago ka muna nila sa damuhan para hindi madamay sa kung sakaling magwala pa lalo ang kalaban niyo. Uryll did fight. Daphne, the girl Uryll was talking about, she was the one who looked after you. Hindi ka niya iniwan sa kabila ng laban. She tried to heal your wounds pero hindi niya kinaya..." Daphne did helped me? Really? "In the end, nakalabas kayong lahat ng buhay."

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon