Saffanyah POV
"Bakz bilisan na natin baka magsara na yung friend kong nag-uukay-ukay."
"O-Oo pero teka lang baka mahulog ako sa kakaapura mo."
Reklamo ko dahil hatak-hatak ako nito sa kamay habang pababa na kami ng escalator.
"Wai~~~"
Lalo akong hinatak ni Junjun nang makababa na kami na para kaming may hinahabol.
Haaaayyy, buti nalang at nakaflat shoes ako, kung hindi ay nadapa na ako.
"Ano bang eksena ng babaeng yun? May hinahanap ata oh."
Rinig ko mula sa mga taong nadadaanan namin.
Out of curiosity ay napalingon ako.
Nakita ko ang isang babae na palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap itong importanting tao.
Haharap na sana ang babae sa gawi ko....
"Bakz bilis, naku dun lang tayo makakahanap ng magandang sapatos na babagay diyan sa damit mo. Mura pa kaya tara na."
Wala na akong nagawa at nagpatangay nalang ako sa kung saan niya ako gustong hatakin.
"Kuya diyan nga po sa ikatlong kanto." Sabi ni Junjun nang mamataan niya agad ang isang traysikel pagkalabas namin."
"Sige, dun din banda ang punta ko."
Agad naman kaming sumakay.
"Kuya pakibilisan baka po mapagsarhan kami ng pupuntahan namin."
Napaigik ako nang magmaniho nga ang driver nito ng bahagyang matulin.
At lalo pang binilisan nang makabwelo.
Subalit hindi ko maunawaan ang sarili ko.
Parang may bumubulong sa akin na tumingin sa Mall.
At ginawa ko nga.
Saktong pagtingin ko sa labas ay nakita ko yung babae kanina.
Naglalakad ito sa kung saan na walang kasiguruhan.
Habang may hinahanap.
Dug dug dug dug dug dug
Nagtaka ako bigla sa lakas ng tibok ng puso ko.
At di ko pa rin hinihiwalayan ang tingin sa babae kahit napakalayo na niya sa akin.
At basta ko nalang nasabi sa sarili.
BINABASA MO ANG
A One Night Stand With A Nun?!
RomanceI'm a 100% straight woman! But a dreadful night happened! My fiance and I argued. I want to escape the world 'cause I felt so sad and broken, then a lunatic friend of mine brought me to a bar. And I saw her. The first time I laid my eyes on her I k...