Chapter 4

6.3K 223 76
                                    








Saffaniah POV







"Sabi ko na nga ba at dito lang kita mahahagilap punyeta ka!!"






Nabulabog agad ang boung pangdama ko dahil sa nadinig na galit na napakapamilyar sa akin.








"M-Ma?"





Nagpupuyos sa galit na napatingin siya sa paligid ng kasiyahan.





Lalong nagdilim sa galit ang kanyang mukha nang makita ang taong nasa tabi ko.







Si Monsignor...







"Ma magpapaliw~~~~"






"Halika dito!!"







"AHH MA!"







Mariin niyang haklit ang buhok ko na halos ay mapunit na ito mula sa anit ko.






At kinaladkad ako.





"Ma h-huwag po nasa..nasasaktan po ako."






Ngunit parang walang narinig si Mama.



At patuloy lang akong kinakaladkad na parang isa akong bagay na walang halaga.






"Sinabi ko na sayo na dapat kitang madatnan sa bahay pag-uwi namin dahil gutom kami demonyo ka!!"






Lalong humigpit ang kanyang haklit sa ulo ko hanggang nahulog nalang ang belo sa ulo ko.






Dagdagan pa ang madaming tao na nagsilabasan sa kani-kanilang bahay upan saksihan ang karahasan ng sarili kong ina sa akin.






"Aling Devina maawa na kayo sa anak ninyo."






Si Monsignor..







Napatigil si Mama sa pagkaladkad sa akin.





At galit na napaharap sa taong nasa likod namin.





"Huwag kayong makikialam! Kahit patayin ko pa itong tarantadang ito ay wala kayong pakialam!!"






"M-Ma."






Napadaing ako dahil lalong humigpit ang sabunot ni Mama kaya napahawak na ako sa mga kamay niya.





Ngunit may mga kamay na maingat at mariin akong kinuha mula kay mama.






At nalaman kong si Padre ito.






"Lumalabis ka na sa iyong kalupitan, wala ka bang awa sa anak mo at sa nangyayayri sa kanya mula sa malupit mong mga kamay?"





Galit na sumugod si Mama at marahas akong kinuha kay Monsignor.





"MA!!"





Mahigpit niyang hinawakan ang leeg ko na nagdulot sa hirap kong makahinga.






"Subukan mong lumapit at makialam hayop ka!!!"






A One Night Stand With A Nun?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon