Good Afternoon!
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo 'to. Kaya lang kasi sobrang hirap na dahil sa pinagdadaanan ko ngayon.
Sobrang personal na hindi ko masabi sa mga kakilala ko kahit sa Dyowa ko.
September 15, 2021, may 26 katao/kabarangay ko na umutang sa akin.
Rumaraket kasi akong 5/6 kahit papano, tapos yung mga umutang sa akin nagpumilit na gagawin nilang 5% kahit alam nilang 3% lang talaga yung interes sa pinapautang ko.
Then nagpumilit sila na 5% nalang total babayaran naman nila agad, pero naghintay muna ako ng dalawang araw para pirmahan yung good for nila. Dahil gusto ko nga siguruhin kung sure ba talaga sila sa 5%, so sabi nga nila oo daw 5% daw.
Kaya bilang witness ay pinapirma ko din yung Brgy. Treasurer sa amin na sila nagsabi na 5% ang gusto nilang interes.
Then after 2 months, mga November gusto nila magbayad sa akin gamit yung 4P's allowance na natanggap nila, pero tinanggihan ko yun.
Dahil bilang government employee ay hindi ko maaatim na tumanggap ng pera na galing din sa Gobyerno para sa benipisyo ng Pamilya. Dahil para nga sa kanila yun lalo na sa mga anak nila.
So natuwa sila kasi hindi ko sila pinabayad. Tapos mga December dumarating ng yung harvest season ng Palay.
Sabi ko sa kanila goods nalang (sako ng bigas) ang ibayad nila sa akin na akma sa hiniram nilang pera.
Yung dalawa pumayag, pero yung natitira pang 24 katao ay umayaw sa goods ang ibabayad sa akin, pero naintindihan ko naman kung bakit.
So sabi nila sa Election nalang, nagulat ako bakit sa election pa. Pero naintindihan ko naman king bakit kasi alams na.
Dumating nga yung May 8, 2022 before election. Andun silang lahat sa bahay para magbayad.
Hirap man sabihin pero kakaunti nalang yung natira sa kanila, yung iba halos wala nang natira dahil sa pagbabayad sa akin.
Pero humirit ako kung sigurado ba sila na magbabayad na sila sa akin, sabi naman nila "Oo Ma'am, kasi nakakahiya na sayo, baka hindi na kami makaulit makahiram."
Tapos nagtanong pa ako sa kanila kung wala ng problema, tapos sabi nila wala na Ma'am.
So yun nga naging kampante ako.
May 9, 2022, naka-aassign ako bilang Monitoring Supervisor (Proxy ako ng Principal) sa Election sa Barangay namin.
Hindi ko nagawa ang trabaho ko ng maayos, dahil nung araw mismo ng Election 1:00-5:30 pm ay nasa Barangay Hall ako, inireklamo ko yung 24 katao na umutang sa akin.
Nililibak ako ng mga taong yun at kung anu-ano ang pinagsasasabi laban sa akin.
Hindi ko na sana papansinin pero nadamay yung propesyon ko na kisyo ganito at ganyan, kaya nagsampa ako ng reklamo sa Barangay.
Tapos sila naman gusto nila akong ireklamo kay Tulfo dahil sinamantala ko daw sila.
Buti nalang may recorded Audio yung nakikinig sa mga taong yun na pinag-uusapan ako.
Kaya nung Myerkules nagsampa na ako ng kasong Libel, dahil hindi biro yung ginawa nilang pag-aalipusta sa akin.
Nadamay pa yung taong ibinoto ko noong Election bilang Presidente na wala namang kinalaman sa buhay ko.
Mga 🤍 at ♥️ supporters sila pero hindi ko naman yun tinignan nung umuutang sila sa akin ng pera.
Tapos naging concern na nila ngayon yung ibinoto ko matapos nilang makinabang sa akin, dahil bobo daw ako.
Ang sakit lang, ikalimang araw na ngayon na naghihirap ang kalooban ko sa mga taong yun.
Kaya hinihingi ko ang pasensiya ninyo kung medyo matatagalan akong mawawala, dahil sa kinasasangkutan ko.
Para matuon ang isip ko sa kasong isinampa ko, depende sa magiging settlement nito.
Marami pong salamat sa pang-unawa♥️♥️♥️
BINABASA MO ANG
A One Night Stand With A Nun?!
RomanceI'm a 100% straight woman! But a dreadful night happened! My fiance and I argued. I want to escape the world 'cause I felt so sad and broken, then a lunatic friend of mine brought me to a bar. And I saw her. The first time I laid my eyes on her I k...