Chapter 8

4.6K 225 67
                                    










Saffanyah Fley POV




"Saffanyah Fley C. Palma, Suma Cumlaudi!"





Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga naganap sa Commencement Exercise.




Kung paano ako maluha-luha sa pagtanggap ng Diploma ko.




Kung paano ko din tinanggap ang mataas na karangalan na ipinagkaloob sa akin.



Bilang Suma Comlaudi...



Lalo na yung palakpakan ng mga kaeskwela ko dahil masaya sila sa nakamit ko.







At dun ko naisip...



Doon ko naisip na hindu nasayang ang lahat.





Lahat ng hirap ko makatapos lang ng pag-aaral.




Sabihin mang dalawang taon lang tumagal ang pag-aaral ko.





Subalit malaking bagay na ito para sa akin.




Dahil ang susunod kong tatahakin ay ang tunay kong pangarap na makamtan.





Walang iba kundi ang maging Madre.




At wala sa akin kung tumagal pa ng ilang taon ang pagpapakadalubhasa ko ulit, para maging karapat-dapat na maging alagad Niya.



Mahal kong Panginoon...









Maraming salamat sa biyayang ito...






Ramdam ng puso ko na abot kamay ko na Kayo.






Bigyan lamang niyo ako ng kaunti pang panahon uoang patunayan sa Inyo...





Patunayan sa Inyo na nararapat akong maging katuwang ng Inyong banal na Kapangyarihan.







At Kabutihan....






Inyong-inyo ako...






"Congratulations iha."






Matamis akong napangiti.





"Maraming salamat po Monsignor,  dahil kong wala ang pagtulong niyo tustusan ang pag-aaral ko ay hindi ako makakapagtapos."







Pinisil ako nito sa balikat.







"Wala yun iha, masaya akong tulungan ka para sa pangarap mo. At bilang nagmamalasakit na parang magulang mo na rin, ay nararapat lang na tulungan kang makamit ang nais mo sa buhay."







"Padre."







Mahigpit ko siyang yinakap.







"Napakapalad ko po sa inyo Padre."







Nadama ko ang dalawang patak ng luha mula sa aking mga mata.





A One Night Stand With A Nun?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon