17

37 3 0
                                    


Minulat ko ang aking mata at bumungad saakin ang isang puting kwarto.

"bes!!"

"apo ko"


yan ang bungad saakin nila lola at Tricia. Nakita ko ang mga ngiti sakanilang halatang masaya sila pero... hindi ako masaya katulad nila?


Nakain na ako ng overthinks and suicide thoughts ko.


Dahan-dahan akong umupo sa may hospital bed. Tinulungan rin ako ni Tricia.


"buti nalang gising kana" tuwang-tuwa sabi ni Tricia saakin.


Tinignan ko ang buong kwarto pero sila lolo, lola at Tricia lang ang nakikita ko Wala si kuya Ryan at Jameson.


"n-nasaan po si Jameson" tanong ko "bibili daw sila ng pagkain sa baba kasama si kuya Ryn mo" sabi ni lola saakin.


Bumuntong-hininga ako at sumandal sa hospital bed. Bat parang napepeke-an na ako sakanila? Bakit walang away?


Nakita kong may mga pumasok na nurse at doctor. Siguro tinawag nila.


"labas po muna kayo" sabi ng doctor kila lolo at lola. Sumunod din sila.


Habang chinecheck ako ng doctor ay tinignan ko ang nametag na aka pin sa white coat nya 'Mendoza' yan lang nabasa ko ng ichecheck nya ang mata ko.


"normal kana iha, basta uminom ka ng iron na gamot dahil malapot ang dugo mo at anemic ka, pwede kana rin makalabas ng hospital bukas" sabi ng doctor at lumabas na sila ng pintuan. Nakita ko pang kinausap pa ng doctor sila lola sa labas.


Napalingon ako sa side table at nakita ko ang cellphone ni Tricia sa tabi ng lampshade. Agad ko itong kinuha at tinignan kung anong araw na.



May 18,2025.



2 days na pala nakalipas ng gawin ko ang bagay na yun. 


binalik ko kaagad ang cellphone ni Tricia nang makapasok na sila dito sa silid "makakalabas kana Aki bukas" sabi ni lola at hinaplos ang buhok ko pero umiwas lang ako ng konti. Hindi naman nya naramdaman yun.


"naku Aki, kapag ginawa mo ulit yan magpapakamatay na rin ako, jusko first time kitang iligtas sa pag-papakamatay mo" hindi makapaniwalang sabi ni Tricia. Ngumiti lang ako ng tipid.


"iha, pagpasensyahan mo ang lola ahh ayoko kasing mangyari sayo yun nangyari kay mommy mo pero last na tapak mo na sa yelong yun at wag uulit----------" napatigil sya ng bigla kong tanggalin ang dextrose sa kamay ko "AKI!!" gulat nya.


"so pati pangarap ko? pipigilan mo? nyo?" sabi ko at tumakbo palabas ng kwarto. Hindi ko na sila nilingon nung tawagin nila ang pangalan ko. Shit lang!! pati ba naman yun pag-babawalan nila? tangina.


Umakyat ako ng hagdan sa fire exit dahil kaya pa nila akong habulin kapag hinintay ko ang elevator. Buti nalang malapit lang rooftop sa floor ng kwarto ko.

Dancing On The Blades[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon