37

34 1 0
                                    



Gumising ako ng maaga dahil may training kami ngayon, si Yutha naman ay may bibisitahin sa Philippine General Hospital.


Ang layo naman ang biyahe ni Yutha, Makati to Manila. Hindi ba sya napapagod dun?


Nakahiga parin ako sa kama habang iniisip ang nangyari kahapon sa mall. Nakabalik na pala sya dito?


Tinext ako ni Tricia na manonood daw sya sa training ko samantalang si Yutha naman ay susunduin ako.


Saka namiss ko na yun si Tricia, baka mamaya iba na itsura nya at baka maging japanese sya since into anime sya.


Tinawag na ako ni ate Maddie para kumain ng tanghalian "nasaan si kuya?" tanong ko kay ate Maddie na nag-aayos ng lamesa.


"pumasok na sa trabaho" sambit nya at umupo sa tabi ko.



"Hindi mo ba talaga bibisitahin si lola?" concern nya, ayoko pang magpakita kay lola dahil may pinangako ako sakanya noon bago sya binawian ng buhay.



Na ipakita sakanya si Jameson. Simula nang magkasakit sya ay lagi nyang binubukang bibig si Jameson.



"Kahit wag mo na sagutin tanong ko dahil ganon parin isasagot mo, diba?" aniya. Tumango ako sakanya at sinimulan ng kumain.



Dumating na rin ako sa skating complex nang maabutan ko sila coach at Benjie na nag-uusap.




Hmm? Si Benjie? Ngayon lang sya nagpakita after kong umalis. After rin ng competition nila Jameson ay nagpaalam sya saamin ni coach na aalis rin daw sya at sasama sa kuya nya.



Syempre si coach ay hindi pumayag dahil sila ang ace ng skaters dito sa team namin. Pero katagalan pumayag rin si coach dahil may reason daw yun.



Kayanga ayaw ni coach na umalis ako sa team namin dahil ako na ang naging ace ng team.



Tumabi naman saakin si Zoey na kanina pa nakabusangot ang mukha "bat bumalik pa yan?" reklamo nya saakin "ewan ko, malay mk bumalik sa team" she scoffed and she fix her shoes.



Me and Zoey are really in good terms after namin nag-graduate ng senior high. Naisipan nya ring sumali sa figure skating dahil passion nya talaga ang mag-skate noon kahit wala syang nasasalihang team.



Sila parin ni Jay, kaso medyo busy silang dalawa sa activities nila pero kaya naman nila i-handle ang time nila sa isa't-isa. Si Jay pala ay nag-aaral ngayon sa Ateneo ng pre-law.



Management din pala inaano nya, nagulat rin ako na abogado rin pala dad nya. Friends lang kami ni Jay pero di nya ako masyadong kinakausap dahil lagi silang nagbabardagulan ni Yutha.



"Aki?" tawag saakin ni coach, nagising tuloy diwa ko. Lumapit ako sakanya sa may entrance ng rink "yes coach?" sabi ko habang dala-dala pa ang bag ko.



Lumingon pa ako sa likod kung saan nandun si Benjie at kasama nya si Jameson?!?!



I swallowed hard when i see those men sa bleachers "next year na ang competition ng all women since 3rd ka nung nakaraang buwan so kailangan natin bawiin yun, okay?" after nyang sabihin yun ay tumalikod na sya saakin.



Dancing On The Blades[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon