18

36 3 0
                                    



Habang nagliligpit kami ng gamit ni Jameson dito sa kwarto dahil lalabas na ako dito sa hospital.


Kahit okay na daw ako sabi ng doctor pero may sakit parin sa puso lahat ng problema ko. Buti nalang nandito si Jameson sa tabi ko kahit wala pang kami.


Sinabi nalang ni Jameson kila lola na ihahatid nya ako pauwi ng bahay para hindi na sila mag-byahe pa.


"Okay naba lahat?" Tanong ko kay Jameson na busy sa pag-zip ng zipper ng bag "yup, all in" sabi nya at napamewang.


Niyakap ko sya. Napaigtad pa sya ng mayakap ko sya "ohh, bakit?" Tanong nya at sabay haplos sa braso ko.


"Wala lang, i want thank you to taking care of me" sabi ko at sinubsob ang sarili sa dibdib nya.


Humiwalay sya saakin at hinawakan ang pisngi ko "matatapos rin yang problema mo, just lean on me" sabi nya and he kissed my temple.


Habang naglalakad kami sa may hallway ng hospital ay nahawakan ko ang dulo ng shirt nya. Napatigil sya ng hawakan ko yun "hmm? Bakit?" Tanong nya.


"Ayoko pang umuwi" sabi ko at yumuko sa harap nya "okay, saan mo gusto pumunta?" Tanong nya.


"Sa BGC" sabi ko. Matagal na kasi ako hindi nakakapag-bisita sa BGC dahil busy sa school.


Buti pumayag sya. Since tanghali palang ay makakapag-byahe pa kami papunta doon kahit medyo ma-traffic sa EDSA basta makapunta lang kami dun para mamasyal.


Okay lang damit ko, nakasuot lang ako ng sweatpants na gray at naka tuck-in ang oversized shirt ko at naka rubber shoes na puti. Naka ponytail rin ako kaya okay lang na ganto itsura ko.


"Matulog ka muna habang malayo-layo pa tayo" sabi ni Jameson sa tabi ko at hinaplos nya ang kamay ko.


Ginawa ko rin ang sinabi nya kaya nakatulog ako. Nagising lang ako ng alugin nya balikat ko. Minulat ko ang mata ko at tinignan ang paligid.


Nasa open parking pala kami kung saan nandun sa likod namin ang isang office ng bangko.


"So tara?" Sabi nya at nilahad ang kamay saakin. Hinawakan ko ito at lumabas ng kanyang sasakyan.


Habang naglalakad kami ay binuksan nya ang payong dahil mainit. Sobrang init tas ang sakit pa sa balat!!


Nag Bon Chon nalang kami para malapit lang then after naming kumain ay mamasyal muna kami dito sa BGC para di sayang ang pag-punta dito.


He said he will take me some pictures in Terra Park sa 28th street. I want to refused but he's still want me to take some pictures. Sa pagkakataong iyon ay napapayag nya ako.


Habang kumakain kami ay biglang may nag-text sakanya at nabasa kung sino yun dahil nasa lamesa ang phones namin.

Dancing On The Blades[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon