Positive comments

52 5 0
                                    

KathNiel movie, rom-com na may puso at positive values

HINDI kami nanood sa mga unang araw ng palabas ng pelikulang Crazy Beautiful You nina Daniel Padilla atKathryn Bernardo dahil ayaw naming makipagsiksikan sa rami ng mga nanonood. Hindi rin namin napuntahan ang block screening invitation ng KaDreamers sa The Podium 2 dahil sa rami ng trabaho.
Kaya ilang araw nang panay ang tanong sa amin ng mga kaibigan at katoto kung napanood na namin ang KathNiel movie at sabay sabi sa amin na, ‘Panoorin mo na, hindi ka manghihinayang sa ibabayad mo.”
Finally, pinanood namin ito kasama si Katotong Rohn Romulo sa Robinson’s Magnolia na esekolang mall kaya naisip namin na walang masyadong tao lalo’t ordinaryong araw.
Susme, sa 8:00 PM screening, nasa tuktok na kami dahil puno na ang buong gitna at iilan na lang ang natira sa mga gilid-gilid.
Sa totoo lang, napakaordinaryo ng kuwento pero may puso. Probinsiyanong binatilyo ang role ni Daniel na nagkagusto sa anak-mayaman na pasaway na si Kathryn at eventually naging karibal ang half-brother sa ama na si Iñigo Pascual kaya nagkaroon siyempre ng confrontation.
Ang babaeng pinag-aawayan ay may sariling problema sa ina (Lorna Tolentino) dahil iniwan siya noong bata pa at lumaki sa piling ng amang si Dante Ponce na may iba nang asawa.
Sakit ng ulo si Kathryn kaya gustong ipakulong ng ama, ayaw naman siyempre ng ina kaya isinama na lang sa medical mission nito sa bundok. Si Daniel ang naatasang ni Lorna at ng tatay nitong mayor na si Gabby Concepcion para magbantay kay Kathryn.
Panganay sa tatlong magkakapatid si Daniel, pasaway ang nanay nila na siAssunta de Rossi na ipinaako na sa anak ang kanyang mga obligasyon. Marunong sa mga gawaing bahay si Daniel, naglalaba ng damit ng mga kapatid, nagliligpit ng pinagkainan at naghuhugas ng plato, nag-iigib ng tubig, at iba pa.
Hindi na bagong papel dahil bilang panganay na anak ni Karla Estradaay katuwang din siya sa pagpapalaki sa mga kapatid maging noong hindi pa siya sikat.
Napakaordinaryo ng kuwento ng pelikula pero wala kaming maisip na ibang artista na puwedeng gumanap kundi sina Kathryn at Daniel lang. Tanging si Daniel ang puwedeng gumanap na komedyante, astig, lover boy, at hindi siya nahihiyang umiyak na damang-dama ang sakit na nararamdaman.
Touching ang eksenang kinakausap siya ng kanyang step mom na nagkukuwento kung gaano siya kamahal ng half-brother niyang si Iñigo dahil lahat ng gamit nito ay ibinibigay sa kanya, hindi kumikibo, nakatingin lang, at mata lang ang umaarte kay Daniel.
At least, kahit rom-com ito ay maganda ang characterization ng lead stars at may itinuturong positive values tulad ng pagsasaksipisyo para sa mga taong mahal mo.
Ang ganda-ganda naman ni Kathryn sa screen. Sabi nga ng kasama naming babae, ‘ang hot ni Kathryn ngayon,’ o, di ba?
Yes, ang laki na ng iginanda ni Kathryn lalo na sa shots ni Direk Mae Cruz-Alviar na slow motion.
Hindi guwapo ang tingin namin kay Daniel kundi ang lakas-lakas ng dating niya at nakadagdag ang pagpapalaki niya ng katawan kaya natutuwa kami dahil nabantayan ng dalawa ang development nila.
Cute at nakakaaliw ang Crazy Beautiful You kaya hindi kataka-takang kumakabig ito ng daang milyones at nakikipagsabayan sa foreign movies.

KathNiel Updates!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon