[1] HI MA.CLARA ACADEMY

0 1 0
                                    

YASHMYNE POV

Napabalikwas ako sa kama,ng maalalang itong araw nga pala ang unang araw ng pasukan.Dali dali akong nagtungo sa gym nitong likod ng mansion namin para gawin ang daily routine ko as always 400 sit ups and 200 push ups.


𝑻𝒉𝒓𝒆𝒆 𝒉𝒖𝒏𝒅𝒓𝒆𝒅 𝒏𝒊𝒏𝒆𝒕𝒚-𝒏𝒊𝒏𝒆......𝑭𝒐𝒖𝒓 𝒉𝒖𝒏𝒅𝒓𝒆𝒅..

Pagkatapos tumayo nako at patakbong pumasok ng banyo para maligo.Pagkalabas ko diretso agad ako ng kwarto upang magbihis.Time check

6:27

Bumaba nako para mag almusal.Pagkatapos bumalik ng ako ng kwarto para mag ayos ulit at saka lalakad na.Tinali ko ng ponytail ang plansiyadong buhok na hanggang bewang.Naglagay ng kaunting lip bamn at pulbo saka kinuha ang mabangong perfume na agad ko namang inispray sa buong katawan.

**

Nagpahatid lang ako sa driver namin dahil ayokong magdala ng sasakyan lalo pat diko pa kabisado ang daan.
Pagkababa ko diretso agad ang lakad ko para hanapin ang pangalan ko sa bulletin board.Dito kasi malalaman kung anong section ka kabilang dahil pinopost nila ito.


Nasa malayo palang ako,pero tanaw kona ang nagsiksikan at ang ingay ng mga tao.Instead na maghintay kung kelan sila aalis ay dineretso kopa ang paglalakad hanggang sa malapit nako dun sa mga studyanteng nagsiksikan may biglang humarang sakin.

"Hey im Chadrix the handsome and you are?"ngiting manyak ang dating neto sabay lahad ng kamay upang makipagkamay sakin.Tinitigan ko ng salit salitan ang kamay niya tsaka yung mukha niya."Wazzup are you deaf?"naiinis na siguro ito dahil sa hindi ko tinggap ang kamay niya.


"Chad i guess hindi mahilig makipagkaibigan yan lets go to our classroom now"paliwanag nung isang kasama niya saka inaya na siya papuntang classroom nila.At umalis naman sila.Sa wakas wala ng bwesit.


Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos ng pag aaral ng walang ginawang pambubugbog sa campus pero mukhang baliktad atah ng gusto kong mangyare.Naglalakad nako papuntang classroom namin ng biglang may humatak sa braso ko saka pag lingon ko"Pagbayaran mo ang ginawa mong pagpapahiya sakin!Alam moba na sikat ako dito sa campus?"galit na sigaw neto malapit sa tenga ko.Putek masisira na atah eardrums ko sa bwesit nato.


Hinila niya papunta dun sa mga kasamahan niyang lalake na nakaupo sa cios.Tumayo kame sa harapan nila habang naka ngisi ang iilan sa kanila.

"Ang ganda naman atah ng napili mo Chad yan naba ang bagong babae mo?"tanong nung lalakeng nakaupo.

"Sa tingin moba pipili ako ng panget Zach?"sagot na tanong ng lalakeng katabi ko at ngumisi naman yung lalakeng nagngangalang Zach."Pakilala mo siya samin Chad"sabi nung Zach.

As if naman may masabi kang pangalan ko sakanila.Instead na gawin ang sinabi ng kasama ay bigla niya akong hinapit sa bewang saka inilapit ang katawan sakanya.Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin na sinabayan ko naman ng pagkapit ng kamay sa balikat niya.Siguro 1 inch nalang ang layo ng mukha namin,tinitigan ko siya sa mga mata.Itinaas ko naman ang tuhod ko para masipa ang itlog niya.Nag-iba ang itsura neto saka hinawakan ang nasasaktan ang ibabang parte ng katawan kaya sa pagkakataong yun nakalayo na ang katawan ko sakanya.

Napaupo siya sa lupa at namimilipit sa sobrang sakit medjo may kalakasan din kasi ang pagkakagawa ko nun dahil gusto kong turuan siya ng leksiyon.Hindi lahat ng babae mahina at madaling bumigay.

Nagsipagtayuan naman ang kaniyang mga kasama at dinalo siya.Tiningnan ko ang relos na nakasabit sa kamay ko.
Its 7:00.I rush to find my room.Kaso diko mahanap ilang buildings na ang nilibot ko pero wala asan ba kase nagtago yung Section A sa Grade 10?!

STRONG GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon