Chapter 1

338 5 0
                                    

"Katerina Salvatore! Are you listening to me?" Tanong nang best friend ko na si Julia at sabay yugyog niya sa balikat ko.

Pagkatapos kong mag college sa kursong Fashion Designing sa London College of Fashion ay bumalik na agad ako nang Pilipinas para magtayo nang sariling boutique. Miss na miss ko na kasi ang family ko at pati na itong lukaret na bestfriend ko.

"Kalma! You are asking?" Halos mapangiwi ako nang narinig 'yong buong pangalan ko.Grabe naman itong bestfriend ko kung makatawag sa pangalan ko ay para akong may kasalanan.

"Sabi ko, saan kayo nagkita?Kailan?Paano?" kabadong tanong niya.

"I saw him." at tumingin uli ako sa malayo. Ayaw kung makita niya akong ganito.

"Paulit-ulit? Sabihin mo na kasi anong nangyari? Baka himatayin ako dito. Ano na? Ano talaga?" Inilapit niya ang mukha sa akin para makipag titigan. Umupo muna ako at umupo rin sa tapat ko si Julia.

"Okay! Ito kasi iyon. Habang nasa pilahan ako para bumili nang ticket sa sinehan para manood ng Fifty Shades of Grey ay bigla akong napatingin sa likod kasi nga maingay pero nang lumingon ako ay nanglaki ang mata ko dahil nasa likod ko lang pala si Nate.." Bumuntong hininga ako at kinuha ang sketch pad para mag drawing ng dress sa bagong client namin.

"Tapos? Ganun lang?"Kumuha rin siya ng lapis at ibinigay sa akin. Nakalimutan ko pala sketch pad lang ang hawak ko.

"Hmmm..May kasama siyang babae. Maganda at akala ko talaga may artista kasi nagkakagulo ang mga girls. Iyon lang naman pala ng dahil lang kay Nate." at nagsimula na akong mag drawing. Kahit hindi ko alam kung makakapag drawing pa ako nito.

"Teka, bakit sila nagkagulo? Hindi naman sikat si Nate ha? nagtatakang tanong ni Julia sa akin.

"Ewan ko nga, J. Pero lahat talaga ng mga babae doon nakatingin lang sa kanya. Siguro dahil sa suot niya at hapit na hapit talaga ang abs niya." sabay iling ko.

"Ikaw kasi. Sabi ko sayo! sabay tayong manonood. Kulit eh!Matigas ulo mo. Kaya yan napala mo! Sana hindi ka nalang nanood at umuwi ka na lang..Pero totoo bang hot si Nate? Kaya pala patay na patay ka eh.." Bestfriend ko ba talaga to? Hahaha joke lang. Ganyan talaga si Julia. Ang nagustuhan ko talaga sa kanya iyong pagiging prangka at totoong tao niya. Kung ano nasa isip niya, sasabihin talaga niya.
Itinapon ko nalang ang unang draft ko. Tumayo ako at kumuha nang tubig sa ref ko. Kailangan kong kumalma.

"Mas pinapagulo mo ang isipan ko. Julia naman eh."nagtatampong wika ko.

"Seryoso.Gumising ka na sa panaginip mo. That was 5 years ago for God's sake.Marami namang lalaki dyan. Maganda ka at alam kong maraming manliligaw sa iyo dito. Ikaw naman kasi natatakot ang mga lalaki sa iyo kasi napakasuplada mo sa kanila. Hey! 2015 na!Move on move on din pag may time."Napahinto si Julia sa sermon niya sa akin kasi may tumatawag. Buti nlang. Hay nako.. sakit sa tenga pag nag sesermon ito at aabot talaga kami nang ilang oras bago matapos ang sermon niya. Yay!

"Hi.This is Julia. Yes,we are still working on that. Hmm.Yes. Just give us a week or a month so you can choose what designs you want for your wedding. Okay. Thank you..See you then." tumingin si Julia sa akin pagkatapos niyang inilagay ang phone sa bag.

"Yes, I know. Kailangan ko nang mag drawing nang mga designs". Inayos ko na lahat nang mga gamit ko. Kailangan kung mag isa. Para matapos na ito at baka mawalan pa ako nang client.

Tumayo na ako at niyakap si Julia.

"J, salamat ha. Kakayanin ko 'to. Don't worry. I'll be okay. Will call you once tapos na ako dito. Love you bes." Nakipag beso na ako sa kanya.

"Okay.I know you're a strong woman. Lahat yata nalagpasan mo na. Go bes! Fight lang! Ingat ka bakla!"

At bigla kong naalala ang unang pagkikita namin ni Katerina.

Julia's P.O.V.

Habang nasa eroplano ako nang Cathay Pacific papuntang Kuala Lumpur. Naagaw ng pansin ko ang isang babaeng nagmamadaling pumunta sa comfort room na halos di maipinta ang mukha. Ano kayang nangyari doon? Baka natatae ( Pasintabi po sa mga kumakain...) hahahaa.. Napag-isipan kung pumunta din sa comfort room kasi na iihi na din ako. Napansin kung nakabukas ang pinto ng C.R at nang binuksan ko ito nakita ko iyong babae na nakahandusay sa sahig...

"Miss, Okay ka lang?" Sabay yugyog ko sa balikat niya. Kumuha ako nang white flower oil sa bag ko. Mabuti nalang at dala-dala ko ' to. Inilagay ko to malapit sa ilong niya nang maamoy niya. Nakita kong dahan-dahang bumukas ang mga mata niya at kumunot ang noo nito.

"Miss? Anong nangyari sa iyo? Are you feeling fine now?" Nag-alalang tanong 'ko.

"Uhmmm.. Okay lang ako.. Thank you sa tulong mo.. "Inalalayan ko na siyang tumayo.

"Hmm. Ako pala si Julia.. and you are?" Sabay lahad ko sa isang kamay sa kanya.

"I'm Kat. Salamat ulit Julia.." Nakita kong may lungkot sa mga mata niya. Ano kayang problema nito?

Bumalik na ako sa upuan.. at nakinig nalang ng music. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising nalang ako nang may tumapik sa balikat ko. Si Kat pala.

"Julia right? Pwede bang makisabay sa iyo pababa?" She smiled at me.

"Yep, saan pala punta mo? KL ka lang? London kasi ako. " Ngumiti rin ako. Sabay na kaming bumaba nang eroplano.

"Wow. London din ako.. I'll be taking up Fashion Designing in London College of Fashion.. How 'bout you? " Kinuha na namin ang mga maleta.

"I'm on vacation. You know sometimes you have to take a rest. Kailangan ko talaga 'to. Sabay nalang tayo ha? First time mo din ba? Umupo muna kami sa waiting lounge habang naghihintay for our next flight.

"Oo. Anyway salamat talaga kanina. Hindi kasi ako kumain kanina before boarding. Kaya siguro nahilo ako." Lumungkot ulit ang mukha niya.

"Hmm. We're not close yet, Kat. But I can see it in your eyes that you do have a problem.. Would you mind sharing? You know we still have 1 day to talk about that. I'm a good listener. Trust me :) .. Sabay ngiti ko sa kanya.. Kawawa kasi siya at gusto ko naman na mailabas niya kung ano ang dahilan ng lungkot sa kanyang mga mata.

At doon na nagsimula ang friendship namin ni Katerina.Lagi kaming nagkikita whenever I'm free. 2 months lang ako sa London pero sapat na iyon para maituring ko siyang bestfriend. Kahit umuwi na ako ng Pilipinas lagi parin kaming nag fi-face time.. I know everything about her. Lagi akong nakikinig sa kanya at lagi akong nandiyan lalo't na sa panahon na malungkot siya.. Love na love ko ang bestfriend ko na 'yon kahit tanga minsan. Hahaha

Kaya nang umuwi siya sa Pilipinas, ako na ang ginawa niyang business partner for her own boutique.. magaling naman kasi si ako when it comes to business.. nagtapos kaya ako ng Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management sa Far Eastern University. Hahaha hindi sa nagmamayabang.. Totoo talaga iyan. Akin muna ang moment na ito. Hahaha :D

How can I remember to forget?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon