Chapter 9

144 3 3
                                    

"Ate Kat?" nawala ako sa pag muni-muni ng marinig ang tawag ni Kass sa akin. Lumingon ako sa kanya habang nakakunot ang mga noo.

"Yes?Teka!Hindi na kita nakita sa Bora ha? Where have you been sis?" tanong ko.

"Bumalik ako sa Maynila. May kailangan lang na asikasuhin at kanina pa kaya kita tinatawag. Lagi ka nalang wala sa sarili mo this past few days." naalala ko kasi ang pangyayari noon kung bakit galit itong bestfriend ko kay Kuya Konrad.

"Bakit ba?" bulyaw ko.

"Are you ready for our dinner tonight? Excited ka ba at makikita mo na siya?." sambit niya.

"Yes, Excited to meet her in a bit." Tumayo na ako sa bed ko at nag ayos.Umalis narin si Kass sa room ko.

Naglagay lang ako ng kunti na make up at lipstick.Isinuot ko din ang plain black halter dress ko at ibinagay sa red Valentino shoes ko.

Binisita ko muna si Kiernan para i check kung ano ang isinuot niya.

"Bro..Hmm.." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Ano ate? Do I look good?" sabay pa cute niya sa akin.

"Yes bro.Nice suit."sabi ko at ngumisi.

"Thanks sis.Tara! Let's go? " inayos ko muna ang kwelyo niya bago kumapit sa braso niya at pumanhik na kami pababa.

Sumakay sina Kass, Kiernan, Mommy at Daddy sa BMW X7 na SUV ni dad samantalang kami ni Julia ay sumakay sa Hummer SUV ni Kuya Konrad.

"Kuya naman eh. Bakit hummer pa? " natatawang bigkas ko.

"Sorry sis. Alam kong formal ang dinner na pupuntahan natin. Hindi ko pa kasi na car wash ang baby ko." as usual "baby" ang tawag niya sa paborito niyang Subaru BRZ Coupe.

"Asus!Are you a gay?" bulong ni Julia.

"That's how I show my love for my baby!"pang iinis pa ni Kuya.

"Baby?Baby?Duh!Kotse lang yan!"na iiritang sabi ni Julia.

"Para kayong aso't pusa!" natatawang sabi ko.

Maya't maya tumahimik narin ang dalawa hanggang dumating na kami sa New World Makati Hotel.Nauna kaming dumating kaysa nila Mommy kasi naman itong si Kuya parang may race palagi kahit medyo traffic sa daan nagagawan parin ng paraan para mapabilis ang pagtakbo ng hummer niya.

Iginiya kami ng receptionist sa isang private dining room. First time ko dito kaya hindi ako masyadong pamilyar sa lugar.

"Welcome to Jasmine!" sigaw ni Kuya.

"What?Jasmine who?" nakakunot-noong tanong ko.

"Jasmine? The name of this restaurant Kat. A chinese restaurant." aniya.

Tumango lang ako kay Kuya at umupo na kaming lahat. Bakit ang tagal nila Mommy.Naiinip na ako.

"Bes, gutom na ako." bulong ni Julia sa tenga ko.

"We have to wait." sabi ko at kinurot siya aa tagiliran.

Iyong pakiramdam na nasa harapan mo na ang mga pagkain pero hindi mo pa pwedeng kainin. Killing me softly kaya iyon! Joke!

"Guys, nandito na sila." Tumayo na kami at nag beso beso sa isa't isa.

Sa likod ni Mommy may nasilayan akong medyo may edad na babae at lalaki pero makikita mo parin ang kagandahan at kagwapohan sa mukha nito. Sumunod naman ay isang lalaki at isang babae na medyo bata sa amin.

How can I remember to forget?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon