Chapter 11

92 4 5
                                    

"Wait, Nathan. I'll just talk to him.." sabay nguso ko kay Nate.

Lumalakad na ako papunta sa direksyon ni Nate ng may biglang humatak sa kamay ko. Lumingon ako kung sino at nakita ko si Nathan lang pala.

"By the way.. What's your name?" seryosong tanong niya.

"Ohhh.." nahampas ko bigla ang aking noo. Hindi pa pala niya alam kung sino ako. Stupid!

"Kat.." bigkas ko at nagpatuloy sa paglakad.

"Can I have your number please?" tanong niya ulit.

"Okay. You have 10 seconds to memorize it." at sinabi ko sa kanya ang telepono ko. Hindi ko alam kung nalaman niya ba kasi binilisan ko talaga ang pag bigkas para hindi niya makuha.

"Yes! Got it!" sigaw niya at kumindat sa akin.

Ngumiti lang ako at umiling. That's so impossible to even get my number that fast. Niloloko niya yata ako. Well, bahala siya.

Nagulat nalang ako ng may biglang sumuntok kay Nathan at mas nalaglag ang panga ko ng ma realize na si Nate pala iyon.

"Shit! Oh my gosh! Hey Nate and Nathan stop it!" Gusto kung umawat sa kanila pero napaatras ako ng makita ang nakakatakot na mukha ni Nate. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita.

Hindi ako makagalaw at makapagsalita sa nangyayari ngayon. Alam ko na dapat ko silang pigilan pero wala akong magawa. Kahit nga ang ibang tao na nasa paligid ay tumutulong narin para mapigilan sila pero hindi parin sila nagpapaawat. Napapikit ako sa takot at hindi ko na rin kayang tignan na nasasaktan si Nate sa mga suntok ni Nathan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari basta nakatayo lang ako at natatakot.

Napapitlag ako ng may biglang humatak sa akin. Hindi ko alam pero nagpatianod na rin ako sa kanya at sumabay sa mga bawat hakbang niya.

"Let's go, Katerina. We need to leave now.." sabay lahad ng kamay sa akin.

Hindi ko tinanggap ang kamay niya pero sumunod parin ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mag-alala kay Nathaniel kung okay lang din ba siya. Natakot talaga ako sa nangyari kanina.

"Sorry.." bigkas niya at hinawakan ang kamay ko.

Tinabig ko ang kamay niya at tumanaw sa bintana. Wala akong pakialam kung ano ang reaksyon niya sa ginawa ko kasi hindi talaga ako sang-ayon sa pakikipag-away niya kanina. Tahimik lang ako habang nasa biyahe pero nagtaka ako nang nag iba siya ng direksyon.

"Wait! Where are we going?"nag alalang tanong ko.

Tumingin siya sa akin pero hindi man lang nagsalita. Hindi parin ako mapakali sa kinauupuan ko. What he's doing?

" Stop this car!" sigaw ko.

Hindi niya parin ako pinansin kaya umakma akong bubuksan ang pinto ng kanyang sasakyan.

"Shit! Don't dare open that door!" banta niya sa akin.

"Then let me go! " walang emosyong bigkas ko.

Nataranta ako nang binilisan niya ang pagtatakbo ng sasakyan niya at biglang huminto sa isang sulok. Napapikit ako sa takot at hindi pa rin makagalaw sa tensyon na nadarama.

"I'm sorry, Katerina. I am sorry. " pa ulit-ulit na bigkas niya.

I can feel his sincerity but then I'm still on state of shock. I can't say a word and I'm barely breathing. I can't even open my eyes.

"Katerina?" He touched my face and pulled me closer.

I opened my eyes and saw him crying? What did I do? I should be the one crying right now. I found myself staring at him for a few seconds. I couldn't imagine him crying like this. I've known him for being so hard and cool.

How can I remember to forget?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon