"A-ano!? Malay ba naming Teritoryo nyo na yung tinatapakan namin!?" Sabi ni Iah
"Tss too late" anang isang lalaki
"I can smell your blood from here lady kaya itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong ikaw ang unahin ko" Sabi ng lalaking nasa gitna.
Nanlaki ang mga mata ko ng dahan-dahan silang lumapit sa amin kaya napa atras kami
'oh God ano bag klaseng Lugar tong napuntahan namin!'
"W-wag kayong lumapit sabi!" sigaw ko.
Malakas silang tumawa "Bakit? Anong gagawin mo? Sisigaw?" Saka nagtawanan na naman sila kapagkuway mas tumingkad ang pulang mata nila saka tinungo ang paningin sa paa kong may sugat "kahit anong sigaw pa ang gawin nyo hinding-hindi kayo makaka takas sa amin, walang makaka rinig" kapagkuway malakas itong natawa na parang isang demonyo.
Akmang lalapit sila sa amin nang may magsalita sa gilid namin na ikinaigtad naming dalawa at ikinalingon naming lahat.
"Tigilan nyo sila kung ayaw nyong maka abot ito sa matataas na konseho" boses ng matandang nagmamay-ari ng bahay na nakita namin.
'oh God'
Parang mga tutang tumiklop ang tatlo at saka sinamaan kami ng tingin bago basta-bastang nawala nalang ito sa tabi namin na syang ikina kurap ko.
"S-salamat po" dinig kong saad ni Iah, nanginginig ito at parang wala sa sarili.
"Halina kayo, mapanganib ang gubat na ito lalo na pag patak nang Alas Dose" Sabi ng matanda kaya parang wala sa sariling sumunod na lamang kami.
"Uminom muna kayo" nagising ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses ng matandang sumagip sa buhay naming dalawa kanina.
Tiningnan ko ang isang basong sa tingin ko ay may lamang kape sinimot ko iyon, mabango at hindi kagaya sa ibang kape ang isang ito.
Ayaw kong pag-isipan ng masama ang matanda lalo na't tinulungan nya kami kanina pero baka may lason to? Napakunot ang nuo ko na agad rin namang napansin ng matanda kaya nagsalita ito.
"Kung iniisip nyo na may lason iyan, nagkakamali kayo, ako mismo ang humanap ng mga kasangkapan mabuo ko lang yang pinaiinom ko sa inyo ngayon" sabi nito, seryoso ang mukha ko kaya napatango nalang ako.
"S-salamat po" Sabi ko.
"Siya nga pala, bakit kayo napunta dito?" Saad ng matanda.
"N-nag b-bonding lang po sana kami nuon nang makita namin ang isang mapa sa bukana ng kagubatang ito kaya pinulot po namin" sabi ni Iah
Natigilan ang matanda saka kami hinarap, seryoso ang mukha nito "Anong klaseng mapa?"
"N-nakasaad po kasi duon na sa dulo ng gubat na ito ay matatagpuan ang bayan ng Xiajang k-kaya naisip po naming puntahan" Sabi ni Iah, parang wala na sa sariling sabi nito.
Napabuntong hininga ang matanda saka nagsalita "Alam nyo bang ang bayan ng Xiajang ang pinaka delikado sa lahat ng bayan na pinamumunuan ng mga bampira?"
Agad akong napamulagat sa sinabi ng matanda "S-so totoo pong mga bampira talaga sila?" tanong ko, nang makabawi ako sa pagkagulat na naramdaman.
Tumango ang matanda "Hindi lang kayo ang mga taong napadpad sa gubat na ito, marami na, ngunit kayo lamang ang inabutan ko" Saad ng matanda
I frowned, napakunot ang nuo ko "A-ano pong ibig nyong sabihin?" utal na sabi ni Iah
"Walang nakakalabas ng buhay dito sa gubat na ito, marami sa kanila ang basta-bastang nakikita ko nalang na walang buhay at dugo sa mga sulok ng kagubatan" Sabi nito kapagkuway nagsalita na naman "Walang masyadong tao ang nakakakita ng bahay ko sa tuwing nangangailangan sila ng tulong pagkat isa itong sagradong bahay na tanging mga matatalas ang paningin lamang ang nakakakita..... Katulad nyo" mahabang sabi nito.