KABANATA 74

53 6 7
                                    

KABANATA 74

Kakaliko palang nina Shawn at Luhence para maglakad papunta sa gate nang siya namang pagkarating ng dalaga sa dean's office. Hindi na nito nakita ang hinahabol dahil sa pagmamadaling makapasok sa opisina.

"Dean!" Kaagad na sigaw ni Rhea, nakahawak sa tuhod at humahangos pa.

"Ay juskoo, hija, nanggugulat ka." Gulat na saad ng dean.

"Ay, sorry po! Pero nandito pa ba si Luhence?" Tanong ng dalaga. Lumilinga-linga sa paligid para tingnan kung nasa loob pa ba si Luhence.

"Si Luhence ba kamo, hija?"

Napatingin ang dalaga sa dean. "Opo."

"Kakaalis lang nila ni Shawn hija. Bakit?"

Nawala ang ngiting kanina pa nakapaskil sa mukha ng dalaga.

"Ay, gano'n po ba dean. Sige po." Saad ng dalaga bago tumalikod.

"Pasensiya na hija."

Napatigil sa paglalakad ang dalaga at napatingin sa dean, nakakunot-noo dahil sa ginawang paghingi ng pasensiya nito.

"Bakit po?"

Ngumiti ang dean. "Wala hija." Sagot nito, nanatiling nakangiti pero mapapansin doon ang lungkot. "Pero sana sa susunod, magpakatotoo ka na sa nararamdaman mo hija. Baka magising ka nalang na wala na pala siya sa tabi mo."

Napaiwas ng tingin si Rhea. Tumawa ito ng pilit.

"Ano bang sinasabi niyo dean---"

"Mabait na bata si Luhence, hija." Sabat ng dean. "Dahil sa kabaitan niya, wala siyang tinatanggihan." Nakangiting saad ng dean, kalaunan ay napalitan iyon ng isang weak smile. "Dahil doon, hindi niya nabigyan ng pagkakataon ang sariling magmahal, ngayon lang." Dugtong ng dean bago tiningnan ang dalaga. "Kaya sana magpakatotoo ka hija. Kung hindi mo siya totoong mahal, sana sabihin mo iyon sa kanya. Napalapit na rin sa akin ang batang iyon kaya masakit para sa akin ang makita siyang nasasaktan."

Napayuko ang dalaga, nakangiti. Nagsisimula na ring mamasa ang mata ng dalaga.

"Alam kong gusto ko na siya dean." Sagot ng dalaga bago tiningnan ang dean.

Napangiti ang huli.

"Hindi ko pa man maamin sa sarili kong mahal ko na siya, pero alam kong gusto ko na siya." Saad ng dalaga. "Sige po, mauna na po ako." Saad ng dalaga bago tumalikod.

Samantala, kanina pa hinahanap ng magkakaibigan si Angela dahil bigla na lamang itong nawala sa room.

"Nakita niyo ba?" Tanong ni Vanessa sa mga kasama.

"Wala, e." Saad naman ni Alyson na kanina pa naghahanap sa dalaga.

"O, nasa'n na si Adam?"

Napatingin ang mga kasama kay Aishia.

"May binili lang."

Napatango-tango si Vanessa.

*klak*

Napatingin ang tatlong dalaga kay Rhea na siyang nagbukas ng pinto.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now