KABANATA 75

62 6 5
                                    

KABANATA 75

Unang araw ng bakasyon, naglalaba lang sina Rhea at Angela. Kasalukuyan silang naglalaba nang mapansin ni Angela ang pagiging tahimik ni Rhea.

Napatingin si Rhea sa matalik na kaibigan nang mapansin ang pagtingin nito sa kanya.

"Bakit Shanny?"

"Okay ka lang?"

Napaiwas ng tingin si Rhea, nagpatuloy na sa paglalaba.

"Okay lang ako."

"Bakit ba nagtanong pa ako." Mahinang sabi ng dalaga.

Napanguso na lamang si Rhea.

Kasalukuyan silang naglalaba nang biglang nagsidatingan ang mga kapatid ni Angela.

d-.-b

"Noona!"

Kakarating palang, maingay na kaagad ang binatilyo.

Pumasok na muna ang tatlo sa bahay para ilagay ang groceries na siyang dala nila. Matapos niyon, lumabas na ang mga ito at nagpunta sa pinaglabhan nina Rhea.

Umupo si Lucian sa harap ni Angela. Tumulong ito sa paglalaba.

"Tulungan na kita."

Tumango ang dalaga. "Sige."

Tumayo si Angela nang maalala na hindi pa pala siya nakakapagluto.

"Magluluto lang ako."

Sumunod sina Christian, Sebastian at Ian sa dalaga. Naiwan namang naglalaba sina Rhea at Lucian.

Habang nagluluto ang dalaga, nakaupo lang at nakatambay sa may mesa ang mga kapatid nito maliban kay Sebastian na tumutulong sa dalaga.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ni Angela sa mga kapatid habang nagluluto pa rin.

"Sinusundo ka."

"Sa'n na naman tayo pupunta?"

"Sa bahay."

Napatigil sa pagsalok ang dalaga. "Umuwi sina mama?"

Umiling lang ang binata. "Hindi. Napag-usapan namin na do'n ka na muna sa bahay ana siyang tinitirhan namin habang bakasyon."

"Dito na lamang ako---"

"Kahit ngayong bakasyon lang, Shan."

Napatigil saglit sa ginagawa ang dalaga, kalaunan ay nagpatuloy na sa pagluluto.

"Pag-iisipan ko."

"Mamaya na tayo aalis."

"Sige---"

Kaagad namang nagliwanang ang mukha ni Sebastian. Napatingin naman sina Ian at Christian dahil sa sinabing iyon ng dalaga.

"Sige, pumapayag ka na?"

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now