KABANATA 86
"Angela?"
"Si Shanice Belle na may-ari ng MSU at si Angela ay iisa?"
Naguguluhang komento ng mga estudyante.
Ang buong magbabarkada ay nagulat. Maski si Rhea na matalik na kaibigan ni Angela ay nagulat din. Hindi niya alam ang impormasyong iyon. Nagulat ang lahat, maliban kay Vanessa at Luhence na alam na ang impormasyong iyon.
Nagkatinginan lang sina Vanessa at Luhence, ngumiti kalaunan.
Nagkatinginan naman sina Alyson, Aishia at Adam. Naguguluhan sa nangyayari.
Nakaakyat na sa stage si Angela, ngunit tahimik pa rin ang mga estudyante.
Palihim na napatawa ang dean. "Dear students, mukhang nagulat kayo sa nalaman niyo." Komento ng dean base sa napansin nito sa mga estudyante.
Napatingin si Angela sa mga estudyante.
Flashback
Kakarating lang ni Angela sa opisina. Pinihit na ng dalaga ang pintuan, ngunit, kaagad na natigilan ang dalaga nang makitang may tao rin palang bumukas niyon mula sa loob ng opisina.
Bakas din ang gulat sa babaeng pumihit niyon pabukas.
Nagkatitigan ang dalawa. Bakas ang gulat sa isa't isa.
Nang matauhan, kaagad na yumukod ang babae.
"Paumanhin."
Napakunot-noo naman si Angela. Papasalita na ang dalaga nang maunahan siya ng dean.
"O, miss Del Mundo, nandiyan ka na pala." Nakangiti ito. Tumingin sa babaeng nasa tabi nito. "Miss Ai,"
Kaagad na napatingin si Angela sa babae.
'She must be the original secretary.'
"Ang totoong secretary ko."
Tumango lang si Angela. Pero nagtataka na ang dalaga kung bakit kailangan pang ipakilala sa kanya ang babae.
"Miss Ai," Baling nito sa orihinal na sekretarya. "This is Angela Shanice Del Mundo, ang babaeng tumulong sa'kin noon." Napangiti ang dean sa nakitang pagkagulat sa dalawa. "Umupo na muna kayo."
Naglakad ang dalawa palapit sa upuan, sa harap ng mesa ng dean.
"Well, kaya kita pinatawag Miss Del Mundo ay para makita mo si Miss Ai." Bumaling ang dean sa sekretarya. "Ngayon, naniniwala ka na bang nakita ko na siya, Miss Ailyn Ahn?"
Napatingin muli ang babae kay Angela, ganoon din ang dalaga na bahagyang nakakunot ang noo. Tila naguguluhan sa paksang pinag-uusapan ng mga kaharap.
Bumaling ang dean kay Angela. Sumeryoso na ang mukha nito.
"Miss Smith."
Gulat na napatingin si Angela sa dean.
"A-anong sinasabi niyo."
Bumuntong-hininga ang dean, sumandal sa backrest.
"Miss Smith, how long you would want to hide with your mask?"
Bumuntong-hininga ang dalaga.
"Miss Smith, kailangan niyo na pong magpakilala sa mga estudyante. Matagal nang palaisipan sa mga ito ang totoong mukha ng may-ari nitong MSU. Maaaring masira ang reputasyon ng eskwelahang ito, Miss Smith."
"Ipapakilala na kita sa mismong promenade." Desisyon ng dean.
"Dean---"
"Pag-isipan mo ang sinabi ko, Miss Smith. Pero talagang buo na ang desisyon ko na ipakikilala na kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/256786483-288-k529949.jpg)
YOU ARE READING
Emotionless PRINCESS [Volume 1]
Mystère / ThrillerUNDER MAJOR REVISIONS... Angela Shanice Del Mundo A long lost princess of Smith Kingdom who hid herself in the human world to let her family safe. There, she turns herself into an emotionless b*tch, promising to her self that she won't let others at...