KABANATA 88
"Good morning."Napatingin si Angela kay Jericho na nakatayo na sa harapan niya.
d-.-b
"Masyado kang maaga para sa oras na napag-usapan natin. Alas nuwebe pa lang, 2 p.m ang usapan natin."
Napangiti si Jericho, napakamot sa batok nito. "Pasensiya na, napansin ko kasi kanina na walang trabaho sina Mom at Dad. Kaya napagdesisyunan kong ipakilala ka. Minsan lang kami kompleto sa bahay. Naghahanda na sila ngayon doon."
Napangiwi si Angela, hindi rin maiwasan ng dalaga ang kabahan. Kung laban 'yon, hindi siya kakabahan. Pero iba na kapag pakilala na, pamilya na ang haharapin.
"Tsk!"
Napatawa si Jericho nang marinig ang mahina nitong sinabi.
"Minamadali mo ako, poker faced guy."
Napakunot ang noo ng binata. "Poker faced guy?"
"Minamadali mo ako kaya poker faced guy ang tawag ko sa'yo."
"Minumura mo na ako niyan?"
"Oo."
Napatawang muli ang binata. Nilapitan nito si Angela. "Hindi mo kailangang kabahan."
"Hindi ako kinakabahan."
"Hindi ko alam na sinungaling ka pala." Napangisi si Jericho.
"Tch! May problema lang." Tumalikod ang dalaga at pumasok sa loob ng bahay.
"Anong problema?"
"Yung mama mo."
"O-okay naman siya ah?"
"Tch, may kaunting problema kami no'ng huli naming pagkikita."
Napataas ang kilay ni Jericho. "Nagkita kayo?"
d-.-b
"Sa ospital. Nung ako ang naiwang magbantay sa'yo dahil nagkasundo pala ang mga maloloko kong kasama na iwan tayong dalawa sa loob."
Inaalala ni Jericho ang pangyayari. Napatawa ang binata kalaunan.
"Bakit kasi sinagot-sagot mo."
d-.-b
"Nagsalita ang hindi sumagot-sagot."
"Magbihis ka na. Aantayin kita rito."
"'Wag kang magugulat kapag nakasuntok ako ngayong araw."
Napanganga si Jericho, kalaunan ay napatawa. "Hindi ka makakasuntok, sigurado ako diyan."
Nakangiting napailing si Jericho habang nakatingin sa saradong pinto ng kuwarto ni Angela.
Umupo siya sa sofa at sumandal doon. Napag-isipan nitong pumikit.
*klak*
Kaagad na napamulat ng mata ang binata nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pagkatingin, si Rhea lang pala.
"O, ang aga mo Jericho." Pagtataray ng dalaga. "Anong ginagawa mo rito?" Napairap ito kalaunan. Umupo rin sa sofa.
Napaismid ang lalaki. "May date kami ni Bella."
Kaagad na napalingon si Rhea sa binata. "Ang aga-aga magde-date kayo? Aba, hoy Jericho! Baka akala mo hindi kita pahihirapan!"
"Ano naman ngayon?"
Kaagad na nanlaki ang mata ni Rhea. "A-ano?! Anong ano naman ngayon? Bestfriend ako ni Shanny! Kaya dadaan ka pa muna sa kamay ko bago kita papayagang ilayo si Shanny sa'kin!"
YOU ARE READING
Emotionless PRINCESS [Volume 1]
Mystère / ThrillerUNDER MAJOR REVISIONS... Angela Shanice Del Mundo A long lost princess of Smith Kingdom who hid herself in the human world to let her family safe. There, she turns herself into an emotionless b*tch, promising to her self that she won't let others at...