KABANATA 84

43 4 0
                                    

KABANATA 84

Kumakain ang magkakaibigan sa canteen. Nag-uusap tungkol sa naging ganap ng bawat isa no'ng valentine's day.

"Kumusta ang date niyo, Vanessang epal? Yieee!" Panunukso ni Rhea.

Napangiti naman si Vanessa. "Okay lang naman." Napatingin ito kay Harley. "Masaya."

Kinilig naman si Rhea, pati narin ang mga kasama nitong nakangiti lang.

"Sino ang hindi niyaya?" Panunudyo ni Alyson.

Kaagad na nakatanggap ng masamang tingin si Alyson. Tinawanan lamang ito ng dalaga.

Binalingan ni Rhea si Luhence. "Ipaliwanag mo." Pagtataray ng dalaga.

Napatawa naman si Luhence. "Actually guys, kaya hindi ko siya niyaya ay dahil ginawa kong surprise ang date naming dalawa."

"Woaah!" Namangha ang mga kasama.

"Kaya naman pala good mood ngayon, e." Komento ni Vanessa, may halong panunudyo na iyon.

Napairap na lamang si Rhea.

Natahimik ang mga estudyante nang marinig ang pagtunog ng campus speaker.

"Good morning students!" Patiuna ng dean.

"Kyaaahhh!"

"Tungkol na ba 'to sa prom?"

Usap-usapan ng mga estudyante.

"Today, I just want to announce that this coming friday, we will be celebrating The Night Promenade!"

"Kyaaaahhh!" Tilian ng mga estudyante.

Napangiti naman ang magbabarkada.

"So be ready. Show up your hidden beauty and be with your prom date. That's all. Thank you for listening."

"Kyaaaaahhhh!" Tilian ng mga estudyante matapos magsalita ng dean.

"Lu, sinong e-de-date mo?" Nakangising tanong ni Vanessa.

Napangisi naman si Luhence. "Si binibini---O, bakit?" Napatigil sa pagsasalita si Luhence nang makatanggap ng masamang tingin galing kay Rhea.

"Sinong ka-date ko kung si Shanny ang yayayain mo?" Pagtataray ni Rhea.

Palihim namang napatawa si Luhence, pinisil ang ilong ni Rhea kalaunan. "Sinong may sabing siya ang yayayain ko?"

Napairap si Rhea, umiwas ng tingin. "Kasasabi mo lang na si Shanny ang e-de-date mo."

"Hindi pa kasi ako tapos magsalita." Paliwanag ng binata, kalaunan ay tiningnan ang mga kasama. Papasalita na ang binata nang marinig muli ang pagtunog ng speaker.

"Miss Del Mundo, please come to the office. Thank you."

Napatingin ang magkakaibigan kay Angela. Ganoon din naman ang dalaga, kalaunan ay tumayo.

"Punta lang ako do'n."

Pagkaalis ni Angela, kaagad na binalingan ng magkakaibigan si Jericho. Para namang gustong umatras ng binata.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now