b.

52 2 0
                                    


I DID EVERYTHING AS A GIRLFRIEND, BUT IS NOT ENOUGH


Sa tatlong taon na itinagal namin ng boyfriend ko, halos kabisado ko na ang sarili ko pag dating sa kaniya. Kahit nga alam kong hindi na totoo ang paliwanag niya, pinaniniwalaan ko. Kahit nga hindi ako ang may kasalanan, ako pa ang nag e-effort para magka-ayos kami. Tipikal na tanga, tipikal na marupok tapos iiyak kasi nasasaktan na.

Hindi naman kami gano'n noon, hindi ko rin alam kung bakit nagbago 'yon ngayon. Ibang iba sa dati, yung mga pinangako niya, yung mga ginagawa niya noon, kung paano niya ako kausapin, lahat nagbago no'ng nakuha na niya ako. Para akong isang bagay na pinaghirapang makuha tapos isinantabi nalang no'ng pinagsawaan na.

Noon, matutulog ako ng magaan ang loob. Nakangiti. Pero ngayon? Natutulog ako ako na hindi natitigil sa pag iyak. Hindi, mali pala. Halos hindi na ako makatulog dahil sa kai-isip at sa pag iyak.

Hinahayaan niya na akong matulog ng may sama ang loob. Hinahayaan niya ng matapos ang araw na hindi kami nag kaka-ayos.

Noon, naiiwasan niya yung mga bagay na alam niyang ikasa-sakit ko. Ngayon? Ang dami na niyang dahilan. Kes'yo wala naman 'yon, hindi naman kailangan pagselosan, hindi naman big deal.

Noon, kahit walang okasyon nag e-effort siya, pero ngayon? Pati monthsarry namin, nakakalimutan na niya.

Minsan naiisip ko, bakit pa niya pinasok ang buhay ko, nangako ng kung ano-ano, sinanay ako sa mga bagay-bagay tapos kapag nakuha na, wala na.

"Baby! I miss you, watch together naman tayo!" chat ko sa kaniya na agad niya naman sineen.

Isa, dalawa, tatlong minuto na naging isang oras.

"Sorry, nanonood kasi kami ni Jessie." parang tinusok ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ng bestfriend niya.

"Tapos na ba kayo? Ako naman p'wede?" tanong ko na ngayon pinipigilang umiyak.

Ilang minuto ulit ang itinagal bago siya magreply,

"Inaantok na ako eh, goodnight." halos manlumo ako sa nabasa at do'n ko na hindi napigilan maiyak.

Buti pa yung bestfriend niya nabigyan niya ng oras, pag dating sa akin biglang inantok.

Our relationship became toxic. Dahil sa mga dahilan niya, sa mga gawin niya na sa huli ako ang sinisisi niya dahil iba ang nakakasama niya kaysa sa akin na hindi naman ako ang gumusto kun'di siya.

"Ano yung nasa myday mo? Kasama mo raw ex mo sa inuman? Tapos hindi ka man lang nagsabi sa akin na iinom ka?" bungad na chat ko at naghintay na naman ng ilang oras sa reply niya.

Ang inaasahan ko ay mag so-sorry siya dahil inabot ako ng ala-una ng madaling araw sa pag o-online nang dahil sa kaniya, nang dahil sa kahihintay ko sa kaniya. Ine-expect ko na mag e-explain siya.

"Ano ba? Lahat ba kailangan kong sabihin sa'yo? Ang demanding mo naman, tangina. Buti pa ex ko noon, hinahayaan ako sa mga ginagawa ko. Ikaw ang dami mong dada. Aga aga nambu-bwisit ka." reply niya na ikina-durog ng puso ko.

Hindi ko alam kung ano ire-reply ko. Hindi ko akalaing magagawa niya akong ikumpara sa ex niyang ipinagpalit siya sa iba.

Tuloy ang relasyon, tuloy and sakit at patuloy ang gano'ng pangyayari. Sabi nga ng mga kaibigan ko, I deserve more. Iwan ko na pero heto ako't nanatili.

"Buti pa yung bestfriend mo, nagawa mong tawagan kasi may problema. Eh ako? Kailan mo ako tatanungin kung kamusta ako?" chat ko sa kaniya no'ng makauwi ako galing sa isang aksidente.

Nabangga ang motor ko, kaya nakatamo ako ng mga sugat pero wala yata siyang balak alamin at wala siyang pakielam.

"Ano ba? Magagamot ba nang pagkamusta ko mga sugat mo? Kailangan mo pa i-my day? Ano paawa ka?" tanong niya na hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para sabihin yon.

"Ang sakit mo na magsalita ah. Girlfriend mo ako, dapat concern ka sa akin!" nanlalabo ang mata kong nakatutok sa cellphone at naghihintay ng reply niya.

"Tanginang yan, nagda-drama ka na naman! Nakakaputang ina na kaartehan mo! Nakakasawa ka. Maghiwalay nalang tayo. Sukang suka na ako sa ugali mo." hindi ko maiwasang mapahagulgol ng ulit-ulitin kong basahin 'yon.

"Wag mo naman akong iwan please..." mas lumakas pa ang iyak ko ng i-blocked niya ako pagkatapos no'n.

I did everything I can as a girlfriend. Gusto ko lang mag lambing. Gusto kong maramdaman na suyuin ulit kahit minsan at kahit nakuha na niya ako. Gusto ko lang maging panatag uli ang puso ko. Gusto ko ulit makatulog ng mahimbig. Gusto ko lang naman ng oras niya. Gusto ko ng atensyon niya. Ayaw ko lang na mapunta siya sa iba. But he left me. Because he can't take it anymore, without thinking na siya rin ang may gawa ng ikakasawa at ikapapagod niya sa sa'kin. Without realizing na siya ang dahilan kung bakit ako nakaramdam ng ganito.

WAKAS.

PS. P're, hindi naman magseselos yan ng wala lang. Hindi naman magaalala yan kung wala lang. Hindi magagalit at masasaktan yan kung wala lang. At hindi magda-drama yan dahil lang gusto nila. Hindi naman iiyak yan kung walang rason. At minsan, hindi ka bibitaw kung hindi ka gumawa ng isang bagay na magiging dahilan para mapagod ka sa kaniya. Kaya p're, bago mo bitawan at bago ka mainis sa ipinapakita niya, punahin mo muna yung mga dahilan kung bakit siya ganiyan. Punahin mo muna mga maling ginagawa mo. Punahin mo muna yung sarili mo. Dahil kung matino kang lalaki, hindi mo hahayaang manlimos ng oras at atensyon ang babaeng mahal mo na mas pinili mong ilaan at ibigay sa iba ang mga bagay na hinihingi niya. No hate just love.

---

Date kung kailan nagawa: June 6, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon