E.

338 3 0
                                    


THE GIRL WHO LOVES MY IMPERFECTIONS


I love someone named Chanel. Sobrang napakabait niya at hindi niya ako minsang ininsulto at nilait sa pisikal na kaanyuan ko. Hindi man lang lumaki ang katawan ko, at wala talaga akong pambili man lang ng mamahalin na gamit pang regalo sa kaniya hindi katulad ng mga manliligaw niya. I'm nothing compare to them.

Naiinggit sila sa akin dahil naging akin si Chanel, naiinggit ako sa kanila dahil nasa akin man si Chanel hindi ko naman maibigay yung nabibigay nila.

"Anong iniisip mo, mahal?" huminto siya sa paglalakad at iniharap ako sa kaniya.

"Wala naman, sorry. May sinasabi ka ba?" umiling siya at hinawakan ang kamay ko.

"Ayokong nag iisip ka ng mga bagay na ikasasakit mo. Kung about na naman sa mga sinasabi nila, please lang ayo---" niyakap ko siya para mahinto siya sa pagsasalita.

We've been together for 3 years. At sa tuwing ganito ang sitwasyon ko, she always begged na tigilan ko na. But I can't, sorry love. Nandito kami sa mall para kumain sana dahil pareho kaming highest sa exam at nakakuha ng uno sa grade kaya gusto naming i-celebrate ng sabay.

Nang makapasok kami sa resto kung saan madalas kami pumunta ay nagpaalam ako na o-order na at maghanap nalang siya ng gusto niyang p'westo. Dahil pareho kaming mataas ang grado, pinag ipunan ko talaga ang araw na 'to para man lang maipaghanda ko siya.

Ilang minuto ang hinintay ko para sa paborito naming order, may ipinasadya akong i-serve na cake para sa kaniya kaya nag insist na ako, na ako na mismo ang kukuha ng order para makuha ang cake.

"Anong tipo mo sa isang lalaki, Chanel?" here we go again, mga tanong sa kaniya na hindi maatim ng sikmura ko.

Nagpaalam lang ako sa girlfriend ko na si Chanel para mag order ng makakain namin. At ngayong pabalik na ako sa upuan namin ay nakita kong may nakaupo sa upuan ko dapat. Masisira pa yata yung surprise ko.

"Yung mala wattpad ang datingan. Hahaha, yung tipong ipaglalaban ka sa patayan. Kukuhanin ka, sapilitan man o sa santong paspasan. At yung mamahalin ka higit pa sa buhay niya. Yung talented, mga gano'n." ramdam ko ang saya sa boses ng girlfriend ko habang sinasabi niya ang tipo niya sa isang lalaki.

'Walang wala naman ako sa sinabi mo, mahal' anas ko sa isip at nagkunwaring kalalakad lang pagawi sa upuan namin.

Tinignan ako ng nakaupo sa upuan ko, mula ulo hanggang paa at naiiling na tumayo.

"I thought mala wattpad ang datingan ng tipo mo? Mukhang hindi ka nga kayang ipag laban ngayon ng kasama mo. Mukhang tatakbo pa kapag nasa kapahamakan na kayo. Eh talent? May talent ba 'yan?" tanong ng lalaki puro pang iinsulto ang lumalabas sa bibig.

Tumingin ako sa girlfriend ko, ngumiti ako at ipinakitang okay lang ako kahit nakaramdam ako ng matinding kirot. Tama naman siya, walang wala ako.

"You said 'Tipo', tipo lang. Pero hindi ko sinabing ayon ang gusto kong maging boyfriend. The man right there,"

Itinuro niya ang gawi ko at saka tumayo at inayos ang suot niya.

"He's my own definition of perfection, Martin. Eh ikaw, kapatunay patunay ba na lalaki ka sa pang iinsulto mo? Hindi. Parang sa wattpad, isa ka lang sa mga lalaking magaling lang sa salita pero wala sa gawa. Please go." pagtataboy niya sa kausap niya at ako naman ay nanatiling nakayuko.

Fuck. Yung puso ko nagsasayaw sa loob at ang buong katawan ko apektado.

Labag man ay rinig ko ang yabag ng mga paa papalayo hanggang sa mawala, tiyaka ako nagtaas ng tingin at hinanap ng mga mata ko ang girlfriend ko.

"Ano yang hawak mo? Bakit hindi mo man lang ipinagtanggol ang sarili mo?" masungit na tanong niya kaya napangiti ako.

Paanong hindi ko mamahalin ang babaeng tumanggap sa akin sa kung ano ako?

Ibinigay ko ang box na hawak ko at binuksan ko sa harap niya. Nakaukit ang mukha niya sa ibabaw ng mocha cake kaya kita ko ang kislap ng mata niya at manghang tumingin sa akin.

"Ang galing naman nito, mahal!" naiiyak siyang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit. "Thankyou so much, I love you!" narinig ko ang mahinang hikbi niya kaya nangiti naman ako, kahit kailan iyakin.

Sumunod na ang pagdating ng order namin at ang favorite song namin na You're still the one. Umupo kami para makakain na, nagdasal muna tiyaka nagpatuloy.

"Why? Bakit ako ang ginawa mong boyfriend kung gano;n yung tipo mo." panira ko ng moment kaya nahinto siya sa pagkain.

Pinunasan niya ang pawis sa noo ko, pagkatapos ay ibinaba niya ang panyo niya't inayos naman ang nagulong buhok ko.

"Tipo lang 'yon, pero ikaw ang mahal ko. At kapag sinabi kong mahal kita, mahal kita. May talent ka, hindi lang katulad ng kanila. Maeffort ka at alam kong hindi mo ako pababayaan.Tanggap kita sa kung ano ka, at sa kung ano ang kaya mo. Mahal, hindi ako mapapasaya ng itsura at ng pisikal na katawan lang, at napatunayan ko 'yon." nakangiting saad niya kaya nangunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Dahil sumaya ako sa'yo. Minahal kita ng hindi binabasehan ang itsura at pangangatawan mo. Isa pa, hindi ka pangit para sa akin. Mataas lang talaga tingin nila sa sarili nila. Basta mahal kita." napangiti ako sa sinabi niya at nakahinga ng maluwag.

"I love you, Chanel. Thank you so much for loving my imperfections." hinawakan ko ang kamay niya't hinalikan ito.

"Your imperfections are the reason why I love you even more." hinalikan niya rin ang kamay ko kaya nagkatinginan kami at natawa ng sabay.

Every person has a standard for someone they liked. But when you love someone, standard doesn't matter, because you will love that person for who s/he was. You will accept that person no matter what, that's the real love.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: March 7, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon