k.

48 1 0
                                    


MAGHIHINTAY AT MANANATILI AKO, KAHIT ALAM KONG IMPOSIBLE ANG TAYO


"Inaantok na ako, matutulog na ako dito ka na." Tawag sa akin ni Toni kaya naman pinatong ko na ang ilang unan sa binti niya at inupuan ito.

Hindi kasi siya nakakatulog kapag walang nakadantay sa mga binti niya, dito lang ako hanggang sa maramdaman kong tulog na siya. Nakabantay, at mananatili nando'n kung sakaling may kailangan siya.

Gusto ko siya eh. Mahal ko na nga kaso hindi p'wede, kasi naghihilom pa siya. Handa naman akong maghintay kung kailan siya magiging handa. Nandito lang ako. Hindi ako mawawala.

Ako yung tiga sunod niya, tiga timpla niya ng kape. Ako yung nandiyan no'ng walang wala siyang matatakbuhan. Ako yung katulong niya. Ako yung ngapapasaya sa kaniya. Ako yung nanatiling gumagabay at pumu-protekta sa kaniya. Ako yung nagparamdam na gusto ko siya, mahal ko siya at maghihintay ako na walang hinahangad na iba. Ako yung nandito. Ako yung nandito sa panahong iniwan siya ng taong inaasahan niyang mananatili at iintindi sa kaniya. Ako yung natira.

Pero alam mo yung masakit? Minsan naiisip ko hanggang do'n nalang ang role ko. Kasi hangga't nakikita ko siyang umiiyak, nasasaktan at apektado alam kong hindi pa rin nawawala yung pagmamahal niya do'n sa tao.

Yung mga ngiti at tawa niya na ako ang dahilan, sana ako nalang.

Yung bulaklak at chocolate na ibinigay ko no'ng mother's day, kita ko ang tuwa sa mga mata niya.

Yung efficascent na ibinigay ko kasi alam kong palaging sumasakit ang tiyan niya.

Yung sabay kaming naligo sa ulan para sa 24 hours jowa challenge.

Yung pagbisita ko sa kwarto niya tuwing gabi at pagtimpla ko sa kaniya ng kape.

Yung tattoo na naging simbolo siya na nasa gilid ng braso ko, para ipakita sa kaniyang nandito lang ako at handa siyang proteksyonan, sila.

Yung sabay kaming naglaba. Yung ako ang kasama niya sa nong bagong opera siya.

Ako yung kasama niyang maglinis ng condo niya.

Yung itsura niyang maganda, maikli man o mahaba ang buhok. Naka t-shirt man o fitted. May make up man o wala, para sa paningin ko maganda siya. Sobrang ganda.

Minahal ko ang lahat sa kaniya, tanggap ko siya pati ang nakaraan niya. Mananatili ako, kahit hindi ako ang nauna.

Yung mga vlog namin na magkasama, masaya, ako yung nandiyan no'ng hindi siya okay hanggang sa maging maayos siya. Ako yung umasikaso sa kaniya. Nag silbi sa kaniya. Ako yon. Ako.

Kailan kaya magiging ako?

Umalis muna ako't nagpaalam na may pupuntahan. Habang siya, kasama yung dahilan kung bakit siya nawasak.

Hindi ko maiwasang maiyak. Makita kong iba pa rin ang ngiti niya sa lalaking dahilan kung bakit siya nasaktan. Iba pa rin yung tingin niya. Iba pa rin pala talaga.

"Mommy oni, mahal mo pa rin ba ako?" rinig ko na tanong no'ng ex niya.

Ayoko man marinig, ay hinayaan ko ang sarili kong masaktan sa sagot na narinig ko sa kaniya.

"Hindi naman basta basta mawawala yon," napapikit ko at hinayaan nag sarili kong umiyak ng tahimik nang marinig ko yon.

Itchapwera na naman ako? Ano ako? Ano ba ako sa kaniya? Nasaan ako kung hindi nawala?

Nang makita ko siya, pinilit kong ngumiti. Ibalik ang Vicenteng masaya kapag siya ang kaharap,

"kamusta?" pinigilan ang namumuong luha habang nakatingin sa kaniya.

"Okay na," ngumiti siya't tinapik ang balikat ko.

"Mommy, palagi lang akong nandito. Hindi kita iiwan. Maghihingay ako hanggang sa pwede na. Mananatili ako. Magti-tiyagang maghintay mame." Bulong ko sa sarili ko nang makita ko na siyang naglalakad papalayo sa akin.

Kahit imposible na maging ako, na maging tayo. Nandito lang ako mame. Mananatili sa tabi mo.

Dito lang ako. Kahit alam kong siya pa rin. Mananatili ako kahit masakit. Mamahalin kita mula sa malayo. Kung sakaling bumalik ka s akaniya, sana ingatan ka na niya. Sana mahalin ka na niya ng totoo at hindi ka na saktan pa. Kasi ako, kahit kaibigan lang basta hindi malayo sa'yo, masaya na ako.

Kung saan ka masaya, do'n ako at susuportahan kita. Kahit hindi ako ang dahilan. Kung dadating man sa pagkakataon na yon, masaya ako kahit ako yung naging panandalian.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: July 21, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon