B.

1.3K 3 0
                                    


THE ANSWER FOR HOPING THAT I HAD HIM


"Grabe umiyak si Jorem no? Sobra kung magmahal no?"

"Sinayang lang siya no'ng girlfriend niya for 5 years no?"

"Kung ako ang girlfriend niyan, hinding hindi ko na yan iiwan, sayang full package niya, niloko pa."

"Sana ako nalang naging girlfriend niya."

"Hindi worth it yung babae."

Rinig ko mula sa hindi kalayuan kung saan ako nakap'westo sa canteen. Maraming humahanga kay Joren, mapalabas man o mapaloob ng school. Maraming nagpapantasya at maraming naghahangad na sana sila nalang yung girlfriend ni Joren lalo na no'ng naghiwalay sila ng girlfriend niyang si Kate for 5 years.

"Kung iniisip mo rin na sana maging girlfriend ka ni Joren, nako day! Wag mo na isipin, napakalabo! Isa pa, hindi naman natin alam kung anong rason kung bakit sila naghiwalay. Hindi porque umiyak, biktima na." napatingin ako sa dire-diretsyong nagsalita.

Napakunot ang nuo ko at naiiling na simupsip ng chuckie. Kung ano anong iniisip, sobrang advanced.

"Hindi ko iniisip 'yon, Lenny. Baka ikaw." asar ko dahil alam ko naman na crush niya ang kapatid nitong si Josh. Kung hindi daw pinalad ay kay Joren nalang siya.

Hinampas niya ang braso ko at nagiinarteng nag ayos ng buhok niya. Aba, assuming!

"Niligawan na ako ng kapatid niya ehe." kinikilig na sabi nito at hinampas hampas ulit ako.

"Ano ba! Ano ba! oo na, masakit!" reklamo ko at lumayo ng bahagya sa kaniya.

Dadaldal pa sana siya kaso tinawag na siya ng boyfriend niyang kuno na kapatid ni Joren kaya naman agad siyang sumunod at iniwan ako ng walang sabi sabi.

Tatayo na sana ako nang biglang may umupo sa tabi ko, it was Joren. Malamlam ang mata at namumugto ito. Nagpuputukan ang itim sa ilalim ng mata niya at tila puyat.

"Can you stay? I need my bestfriend, Gia." napayuko siya at nagsimulang gumalaw ang balikat niya.

He's crying for pete's sake!

Umupo ako sa tabi niya at hinimas himas ko ang likod niya. Yes, Joren and I were bestfriend. Pero nahinto 'yon nang nagka-girlfriend siya at selosa pa. Kailangan niyang idistansya ang sarili niya para sa ikabubuti naming dalawa.

"Spill." tipid na ani ko pero sapat na para magk'wento siya.

"Nakita niya akong may kasama, may kasama pero hindi niya ako nakitang nakikipaglandian pero sinugod niya kami at sinampal niya ako sa harap ng maraming tao at binastos niya yung kasama ko. Remember, Humphry? Siya yung kasama ko no'n yung malayo na namin na pinsan." napailing iling ako sa sinabi niya.

May pagka-masama talaga ugali no'ng ex-girlfriend ni Joren. Kami nga napagkamalang may tinatagong relasyon kahit wala naman. Tamang hinala at wala na sa lugar.

"Why are you crying? Hindi ganiyan ang bestfriend ko, Joren." mataray na sabi ko kaya napangiti siya.

"5 years pero walang nagbago. Naghihinala pa rin siya kahit wala naman akong ginagawang masama. Masakit." tinapik tapik ko ang likod niya ng kalakasan.

"Okay lang yan, tara kain?" dumaing siya na masakit ang pagkakahampas ko pero sumang ayon naman siya sa pagkain.

He's my bestfriend at the same time food buddy. Stress reliever namin ang pagkain at ang pakikinig sa music. Same vibes pero buti nalang ako hindi heart broken.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon