( Anim )

64 2 0
                                    


ELMA   ~

Tunog ng kutsara na bumabangga sa plato ang tanging ingay ngayun saming hapag kainan ni tito . Kasalukyan akong nag uumagahan bago pumasok .

Ganun padin ang aking kinakain , ganun din si tito .

Umiinom bako ng dugo ng tao ? Hindi na simula ng namatay si ina  ,  Pag may okasyon nag aalay ang iba ng sariwang dugo ng tao at dun mag sasalo salo ang lahat . Ngunit isang beses lang ako nakatikim ng dugo ng tao . Yun yung araw na mag 14 taong gulang ako ngunit ang aking ina nagkaron sila ng kasunduan ng aking ama na yun ang una at huli kong pagtikim ng dugo ng tao , gusto ng mama ko na mabuhay ako ng normal pero ang pag inum ko ng dugo ng hayup ay nararapat din para sa aking lakas . Tradisyon samin na pag sapit ng katorse nararapat na uminom ng dugo ng tao . Dahil sa idad na katorse dito nag sisimula ang pag usbong ng imortal nadugo at katawan , at pag sapit ng 18 dito ka mababawtismuhan patunay na ganap kanang bampira o anu pa . 17 palang ako . Parehas kami ni ShiRay .

Bakit mag kasama ang bampira at mangkukulam ?

Mag kaaway naman talaga ang mag kabilang panig hanggang ngayun dahil ang gusto nila iisa lang ang matitirang uri ng imortal sa mundo ngunit malaki ang utang na loob ng aming pamilya sa mang kukulam yun ang pamilya nila shiray , kung hindi dahil sa kanila wala na ako ngayun at ang iba pang ka mag anak namin  .  Dalawang uri ang mangkukulam ang puti na syang nag tataglay ng kabutihan at kabaliktaran nila ang itim at dun kami walang pakialam . Kung sa panig naman nmin . Sabihin nalang nating bampira kesa sa halimaw . 3 uri ang meron samin una ang mga kayang kumontrol ng bagay ngunit nais mamuhay ng mapayapa at normal pangalawa sila ang mga proud na proud kung anu sila mga walang awa kung pumaslang hayup man o Tao , pangatlo sila ang mga maka pangyarihan ang bawat salita nila ang nag sisilbing batas kaya nilang pumaslang ng kapwa nila kapag lumabag at dun kabilang ang ama ko . Tumiwalag si ama at ina sa pamumuno ni Tryton kaya nag karoon sila ng kalayaan at mag desisyon para sa kanila , ang mga nakasapi na myembro ng mga bampira don ay mga malalakas hindi ka nila papabayaan , sa pagkaen , bahay at sila ang magiging proteksyon mo ngunit hawak nila ang iyong buhay  gagawin mo lahat ng sasabihin nila Sambahin , Pumatay at iaalay sa kanila . Hindi iyon natiis ng aking ama kaya umalis sila pero kaparusahan din ang natanggap nila . Maaari silang/KAMING patayin kapag may nagawa kaming hindi maganda oh may mga makaalam na mortal kung sino kami .

" Ai ayaw mo ba ang pagkaen ? " napatingin ako saglit kay tito at bumalik sa pag kaen . Nag salita nanaman sya .

" Alam kong nag aadjust kapa sa bago mong eskwelahan Ai dahil mga mortal ang nakapaligid sayo , kaya muyan isang taon lang naman matatapos kana din dyan saka------ "

" papasok nako " Putol ko sa sasabihin nya kinuha ko ang bag ko sa may paanan ko at isinukbit sa balikat at umalis . Rude ba ? Wala akong pake , ayoko sa mapagpanggap ayoko salahat kung makapag salita sya akala mo tatay ko .

Simula ng namatay ang mga magulang ko iniiba nya ang patakaran dito sa bahay at hindi lang yun . Sya din ang dahilan kung bakit nasali nanaman ang pamilya namin sa kabilang kampon . Asa syang sasali ako Hindi ko babaliwalain ang pinaghirapan ni ama .


----------------------

Tagal din di nag UD .

PASENSYA.COM nagsimula nakasing mag aral . UD mamaya ng makabawe haha .


~RespitadongHudas~

Behind UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon