~ ElmaNakatambay lang ako dito sa likod ng Campus habang nihintay si Shiray dahil dipa tapos klase nya . gusto ko dito tahimik nakakapag isip ako ng maayos , humiga ako may damo at tumitig sa makulimlim na kalangitan , Yung babaeng yon nanampal pinagmuka akong mahina hayup kasing SKy malibog nayun eh nangengealam pa ! At bwisit na Shiray to bag kase sinunod kupa sinabi nya .
" Elmmaaaa " napaupo ako at tumingin sa kumakaway na imapaktitang papalapit sakin napakunot nuo ko ng mapansin kong may mga kasama sya , pinagmamasdan ko lang sila habang papalapit . Tumayo nako buset aalis nalang ako .
" Hay Elma " pumalupot sa braso ko si Shiray at halatang hinila nya ko ng bahagya para hindi umalis , sikmuraan ko kaya to bigla . tinapik ko ang kamay nya at tiningnan ko lang sya ng masama .
" bayan Elma di muba ko namiss " Nagpout nanaman sya ang pangit nya talaga .
" Tigilan mo pag papa cute muka kang Pato " Sabi ko sa kanya .
" Hihi ang Cute nyo namang dalawa " Napatingin ako sa babaeng nag salita at napataas ang kilay at hindi pinansin .
" Oo nga pala Elma " Pag kasabi ni Shiray pumnta sya dun sa babae . Aalis nalang ako wala akong panahon makipag Usap .
" Wait wait Elma naman may papakilala lang naman ako " Pagpipigil sakin ni Shiray .
" pwde ba ? Wala akong pak--- "
" Eto nga pala si Janine Tarrayo , ang Valedictorian naten " Pinutol nya ang sasabihin ko at tinuro ang matangkad na babaeng nasa harap ko na kaninang nag salita . Kumaway lang sya sakin , Still poker face , wala naman akong pake eh ! Hawak padin ni Shiray ang braso ko at ramdam kong pinipigilan nya ko . Naiirita na talaga ako . Bahala syang dumaldal !
" Eto naman si Sandra Curilan ang Student council sa paaralan " kumaway sya at ngumiti . Tiningnan ko lang sya .
" At ako naman ang dyosa ng kagandahan Pak na pak ! " Napatingin ako sa bandang gilid nya , hay nako pati ba naman Binabae kinakaibigan nito .
" Wag kang umeksena dyan bakla ! " sabat naman ng babaeng akala mo korean na maputi na mukang naubusan ng dugo . Hay nako sumasakit ang ulo ko sa kanila kaya ayaw ko sa mga mortal ang gugulo !
" eh anung gusto mo ikaw lang eeksena ? Ikaw na , ikaw na ang pabida " Sabat muli ng binabae . Umiling si Shiray at natawa .
" Hay nako kayo talaga , Elma sya si Jade ang palaging may motto ng dyosa " turo nya sa bakla at nag tawanan sila " At eto naman si Angela Lorraine ang Muse " kumaway naman sya sakin , still poker face . Umirap nalang ako hay nako wala naman akong pake eh ! nababasa ko ang lahat ng nasa isip nila natatakot sila sakin , dapat lang yan wag silang feeling close hindi ko sila kailangan .
" Tapos naba ? Pwde na umalis ? " Ngumiti lang sakin si shiray at sunod sunod na umiling
" Meron pa " saad nya .
" Ako nga pala si Abby Gail " May nag salita salikod ko at pag harap ko babaeng ka singtangkad ko lang .
" sana maging mag kaibigan tayo " ngiti nya ng malawak . Anu tong nararamdaman ko parang may kakaiba sa babaeng to .
-------------
Alas diyes na ng gabi naglalakad ako sa hallway papuntang kwarto ko . Napakatahimik ng bahay . Lahat ng nadadaanan ko puro may mga painting sa ding ding o kaya naman mga lumang litrato . Ang pinaka paborito ko sa lahat ang nasa gitna kung saan sa gilid nya ay ang pinto ng aking silid . Painting yun ni papa na puro bulaklak , bulak lak iyun na paborito ni mama .
Habang nag lalakad ako . Iniisip ko yung babae kanina yung huli kong nakilala . parang may iba talaga akong nararamdaman sa kanya . Hindi ko alam kong masama o hindi . Nababasa ko sa isip nya nag gustonh gusto nyang makipag kaibigan sakin at muka namang mabait . Hay nako kahit na wala akong pake hindi ko sila kailangan . Nang makapasok nako sa silid ko humampas sakin ang malamig na hangin , bukas ang bintana .
" Hay nako shiray manggugulo ka nanaman ba " walang sumagot binuksan ko ang malaking ilaw para mag liwang pa lalo sa silid . Wala naman palang tao pero ang umagaw ng atensyon ko ay ang plastik sa may bintana . Lumapit ako at tiningnan kung anu . Masang sang ang amoy . Saloob nito may malaking garapon . Halos maitapon kupa ng makita ang nasa loob .
Isang puso na nalulunod sa dugo at halatang sariwang sariwa pa . Sino nag lagay nito dito ?
---------------
Yan na muna :) ingat po ang lahat
Sa mga taga NY , Texas , Canada at Pinas :)#Respitadonghudas
BINABASA MO ANG
Behind Us
رعبHalinat pasukin ang mundo ng dalawang uri ng di pangkaraniwang nilalang. Panu kung malagay ka sa mundong hindi mo naman nakasanayan ? panu kung ang mga taong kinamumunghian mo matutunan mong pakisamahan? Paano kung makita mo ang mga taong mahahalaga...