( 1stPERSON ) ~
11:56 pm na , mahimbing na natutulog si Elma sa kanyang higaan , madilim sarado ang ilaw tanging liwanag lang ng buwan na tumatama sa bintana ang nag sisilbi nyang ilaw , tulad ng nakasanayan palagi syang nakapang tulog .
11:58pm gumagalaw ang ulo ni Elma pakaliwa at kanan na may paghihikahos . Natila kala moy nauuhaw , ang mga kamay nya ay humahablot ng Mariin sa kanyang puting kumot , umuungol na parang nahihirapan , bumabakat na sa braso , hita at leeg ang kanyang ugat sa katawan .
12:00 mn . Mabilis na bumukas ang mga mata ng dalaga , nakakapangilabot ang mga kulay nito , pinaghalung pula at itim at nanlilisik , pinalibot libot nya ng mabilis ang kanyang mata , at mabilis na napaupo sa kanyang kama , nakakatakot ang itsura ni Elma para syang Halimaw na naghahanap ng makakain . Ngunit sa kalooban ng dalaga , nakikipag laban sya sa pag kontrol ng kanyang sarili , Nagsisimula ng mag bitak ang kanyang mga labi lumapit sya sa may pintuan at pilit binubuksan ito ngunit parang may nakaharang na kung anung bagay sa kabila nito at ganun din sa may bintana , Pilit padin kinukonrol ni Elma ang kanyang sarali pero kapag ginagawa nya ito nasasaktan lang sya inisip nya na sana sa mga oras nato andito ang kanyang kaibigan . Nagdudugo na ang isa nyang ilong , Nakaisip sya ng paraan . Pumunta sya sa may pinaka gitna ng kwarto at tinanggal ang saping panlapag , sa ilalim nito , mapapansing may takip ang sahig binuksan nya ito ng buong pwersa , may laman ito na mga gamit ng kanyang yumao na magulang . Sa tabi nito may 4 na bote ang nakalagay dito , naglalaman ito ng dugo ng usa . Walang ng dalawang isip at hinablot nya ang dalawang bote . Binuksan ang takip at sinimulan ng inumin , Parang asong ulul si Elma na takam na takam sa iniinum nya , may natatapon nading dugo sa kanyang puting damit pero wala syang paki alam . Hanggang sa naubus nya nadin ang isa pang bote
Matapos ang lahat , Napahiga sya sa sahig , pinunasan nya ang kanyang bibig na may mga dugo pa . Naalala nya na , itinuro ng kanyang ina na sa oras na may mangyare sa kanya at kailangan nya ng dugo meron iyong tinabi , at Doon nga kinuha ni Elma ang dugong ininum nya kanina .
Iniisip nya na kabilugan nga pala ng buwan ngayon at hindi sya nakapag handa . Habang nag iisip at nakatingin sa kisame , may narinig syang ingay sa may pinto . Tumayo sya at lumapit sa may pintuan idinikit nya ang kanyang mga tenga upang pakinggan ang nasa labas . Parang meron silang kinakaladkad .
" tama na po maawa kay-----" may sumampal ng malakas sa babae kaya hindi na naituloy ang kanyang sasabihin . Pahina ng pahina na parang nalagpasan na ang kanyang kwarto , pero dinig na dinig nya padin ang sigaw ng babae .
" Maawa kayo tulong ! Tul----- aaaarrrgggghhhh !! " Malakas na sigaw nito , nakakarinig si Elma ng kung anung ingay sa labas na parang may napupunit at mga tunug halimaw . Napasandal sa pinto si Elma at dahan dahang napaupo . Nagtakip sya ng tenga gamit ang dalawa nyang kamay .
" Isang inusenteng buhay nanaman " Bulong nya sa sarili .
---------------------------
#RespitadongHudas
Comments po kayu if dapat pang ituloy yung istorya ^^. Marami pong salamat sa mga bumabasa :) .
BINABASA MO ANG
Behind Us
TerrorHalinat pasukin ang mundo ng dalawang uri ng di pangkaraniwang nilalang. Panu kung malagay ka sa mundong hindi mo naman nakasanayan ? panu kung ang mga taong kinamumunghian mo matutunan mong pakisamahan? Paano kung makita mo ang mga taong mahahalaga...