ELMA ~Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarTo ko habang nakahiga sa kama . Naalala ko yung ng yari kanina . Nagising nalang ako nasa sasakyan nako at katabi si Shiray uuwi nadaw kami kahit hindi pa tapos ang klase , muntik nadaw akong may atakihin kanina dahil nakaamoy ako ng dugo , Dahan dahan akong Napa indian seat sa kama ko . Mahirap talagang icontrol ang sarili ko kapag nakaamoy o nakikita nako ng dugo mabuti nalang kahit papano natutulungan ako ni Shiray . Kinuha ko ang ballpen na nasa tabi ko lang . Isinaksak ko sa may braso ko at ipinaguhit pababa sa balat saka tinanggal . Tumulo ng kaunting dugo pagkatapos bumalik ulit sa sugat at parang nagging zipper ang balat ko dahil unti unting gumagaling ang hiwa at tuluyan na ngang bumalik sa dati ang balat ko na parang walang ngyari . Napangisi ako ng bahagya
" ganito ba ang normal "
tanging sabi ko saking sarili . Tumayo ako at lumapit sa may maliit na lamesang malapit sa bintana natanaw ko sa labas puro punung kahoy , at may malawak na Hardin , nakita ko ang orasan 7 napala ng gabi . Napasulyap ako sa picture frame na katabi ng orasan . Kinuha ko yun at pinagmasdan . Litrato namin nila mama Bellay at papa Edwardo na ngayon silang dalawa ay wala na . Napayukum ang kamao ko sa galit . Hanggang ngayon sariwa padin sa isip ko ang alaala nayun .
Toktok *
" Lady Ai , kakain napo handa na ang hapunan " sabi ng matandang babae na nasa kabilang pinto . Inilapag ko ang litrato
" bababa nako Mira "
Sagot ko , at umalis na sya .. sila sila nalang ang kasama ko dito sa bahay mga katulong at driver nakauri namin at Si tito Lexter ang kapatid ni papa ni papa , pero hindi ako ganun kalapit sa kanya at ayoko talaga sakanya . Bakit Lady ai ? Ai ELma Delvallye ang tunay kung pangalan bilang paggalang LADY AI ang tinatawag nila pasimula iyun ng aking ina . Si Shiray lang ang tumatawag sakin ng elma dahil gusto nya daw maiba . Dahil siraulo sya -_- pero nasanay nadin ako sa ganun mas gusto kong tinatawag sa simpleng pangalan lang . Anu nga ba kami ? kahit ako hindi ko alam , pero karamihan ng bansag samin Halimaw , hindi lang kami bampira na sumisipsip ng dugo , pati sariwang laman ng tao kinakain (ko)'NILA' lalo na ang puso .
-------------------
" Kamusta ang unang klase ai ? "
Tanong ni Tito Either habang kumakaen ng sariwang laman ng Usa na nakalagay sa plato at dahan dahan nyang hinihiwa ng kutsilyo , ang kinakain ko ay sariwang gulay sinanay ako ng aking ina sa ganito ngunit ang inumin ko sariwang dugo ng Usa , nasa magka bilang duLo kami ng lamesa dalawa lang kami ang kumakaen.
" Maayus lang " tipid kong sagot
" mabuti naman , dapat pagbutihan moha , alam ko namang makakapasa kayo sa mga gan--- "
" Bakit nandun sila Megan sa School ? "
Pinutol ko ang sinabi ni tito puro naman walang kwenta ang mga sinasabi nya . Napakunot nuo syang tingin sakin , nagkibit balikat sya at bumalik sa pagkain .
" ewan ko baka yun ang gusto ni TrayTon " sabi nya . Hindi talaga maganda ang kutob ko na andun sila . Inubos ko ang baso ko namay dugo at tumayo , na walan nako ng gana kumaen .
" Mauuna nako sa taas , Magandang gabi " sabi ko , Tumango lang si Tito at umalis nako .
------------
Pagpasok ko sa kwarto ko bukas ang bintana kumunot agad ang nuo ko . Hay nako heto nanaman tayo .
" Anu naman ang ginagawa mo dito " wika ko habang nag lalakad papunta sakinq kabinet . nakadapa si Shiray sa higaan at nakapangalumbaba .
" Namiss lang kita eh " Nagpout nanaman sya .
" Tigilan munga yang kakanguso mo akala mo Kinaganda moyan para kang pato " sabi ko , habang nagtatanggal ng damit at magpapalit ako ng sando pangtulog .
" hmmmmf ikaw kamu Elma lagi kang bad >< " umupo na sya sa kama .
" Umuwi kana ayoko ng maingay dito , gabing Gabi na nag gagala kapa " natapos nakong magbihis , sinara ko ang kabinet sumandal at nag cross arms
" Hihi malapit lang naman ako dito ah , oo nga pala elma bakit kaya nasa school din natin sila Sky no , saka siguro member din sila ng KEY nakaiTim din na uniform sila kanina eh " sabi nya habang nakaupo sa kama ko . Nagsalita sya ulit , ng may mapangasar na kumurte sa kanyang muka .
" Ay alam kuna ! Hahahahaha ayiiieeeee siguro sinusundan ka ni Sky haha !! " dali dali akong lumapit sa kanya
THUUGG *
" AARRRAAAYY T_T ! Elma ang sakit mo talaga mambatok " sabi nya habang hinhimas ang ulo nya .
" Kung mangiinis kalang umuwi kana ! " sigaw ko .
" hahahahahhhahaha ! " tawa lang sya ng tawa
" hahaha osige na nga ! " tumayo na sya at pinupunasan pa nya ang mata nya dahil maluha luha sya kakatawa . Tinaasan ko lang sya ng kilay at tinuro ang bintana ." Uwi na " utus ko
" hahaha ang Cute cute talaga asarin ng best friend ko " naglakad sya sa may tapat ng bintana Huminto at humarap sakin , at nag salita nanaman .
" Pssst elma , magsuot ka ng Magandang panty bukas ha ^^ " sabi nya . Napakunot ang nuo ko , Ha ? Anu daw ? Nagsalita syang muli at dun na kumulo ang dugo ko
" Pag natyambahan ka ni Sky yare ka ! :D " pang aasar nya .
" uurrrggghhh ! ikaw !! " Susugudin kona sana sya kaso bigla syang tumalon sa bintana . Agad agad akong dumungaw sa baba , ng may dumaang mabilis na hangin mula sa baba Pataas .
" Hahahahaha uyyyyy namumula si Elma ! Namumula si Elma ! " Tumingala ako at nakita ko si Shiray na nakatindig sa may mahabang walis at nakalutang sa kalawakan . Sinamaan ko lang sya ng tingin at sinarado ng malakas ang bintana , naririnig kopadin ang tawa nya kahit alam kung papaalis nasya .
" Haayy naku !! Ang mga mangkukulam talaga ang sarap Sunugin >_< ! " Bwisit .
#respitadongHudas

BINABASA MO ANG
Behind Us
HorrorHalinat pasukin ang mundo ng dalawang uri ng di pangkaraniwang nilalang. Panu kung malagay ka sa mundong hindi mo naman nakasanayan ? panu kung ang mga taong kinamumunghian mo matutunan mong pakisamahan? Paano kung makita mo ang mga taong mahahalaga...