Epilogue

35 1 0
                                    

Nagising ako sa pamilyar na silid. Bakit nasa palasyo ako? Nilibot ko ang paningin ko. Nandito nga ako sa silid ko. Maya maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok si Eros.

"You're awake, how's your sleep?" Umupo siya sa gilid ko. Nagtaka ako dahil wala akong makitang sugat sa kaniya.

"Huh? Ilang araw na ang lumipas? Anong nangyari sa mga hunter? Napaslang ba silang lahat?"

Nagsalubong naman ang dalawang kilay niya. "Are having a nightmare?"

Nightmare? "Hindi isang bangungot iyon. Totoong nangyari. Eros sabihin mo sa akin ang totoo, anong nangyari?" Bumangon ako at umupo.

"Walang nangyari. Ano bang napanaginipan mo?"Kinabig niya naman agad ako ng yakap. Napatingin ako sa paligid. Normal naman ang lahat. Naririnig ko ang mga ibong sa labas.Tila parang isang panaginip lang ang nangyari.

"Care to tell me?" He kissed my forehead.

I sighed heavily. "Sumugod dito ang mga hunter. Napatay ko si Olivia and I lost you. " I whispered. I hug him tightly.Natatakot ako na baka panaginip lang to at magigising akong wala na siya sa tabi ko.

"You'll never lose me. Hindi mangyayari iyang nasa panaginip mo. " He replied under his breath.

Napangiti ako.Panaginip lang pala lahat iyon.

"Let's go outside.."

Pinagsiklop niya ang aming mga kamay. Hindi pa rin ako kampanting hindi lang ito isang panaginip.

"Why?" Nagtatakang tanong niya ng mapansing nakatitig ako sa aming kamay.

"You're real right?"

"Bakit mo naman naisip na hindi ako totoo?"

Umiling ako. He smile gently at me. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Walang bakas ng pagkasira ang buong palasyo. Anong nangyari? Pero parang totoo eh! Totoo ang nangyaring iyon. Nasan na si Olivia?

"Bukas ay tutungo na kayo sa Arthial."

Nagtatakang nilingon ko siya."kami lang? Paano ka?" Hindi ako papayag na magpaiwan siya rito. Kung panaginip lang iyon, hindi pa rin ako kampanti.

"Kailangan kong magpaiwan dito upang sirain ang buong palasyo."

"Magpapaiwan din ako, sasamahan kita rito."

Huminto siya humarap sa akin."Nag aalala ka pa rin ba tungkol sa panaginip mo?"

"I can't help it. Paano kung...."

He sighed heavily."Babalik na tayo sa Arthial. Wala ng makakapanakit sayo ruon. My brother will be here tommorow. Siya ang makakasama mo pabalik sa Arthial."

"Your brother?" Naalala kong hindi sila sa maayos na kalagayan ng pumunta rito ang kapatid niya.

"Alun will not hurt you."

Tumango nalang ako. Sinisigurado niyang mawawala ang aking pag alala sa kaniyang mga salita. Nawala ang aking pangamba ng salubongin kami ni
Leonor.

"Nakahanda na po ang lahat sa ating pag alis, young master." Nakangiting sambit niya.

Alam kung lahat sila ay ito ang hinihintay. Nakita si Cleatra at Cleon.Halata ang kasayahan sa mga mukha nila.

Hindi tumagal ang paglipas ng oras. Iniwan ako sa silid ni Eros dahil kakausapin niya pa raw si Eros.

Nagtungo ako sa balkonahe. Nagbabakasakaling dumating si Olivia. Ngunit tumagal lang ang aking paghihintay, walang Olivia ang dumating. Pumasok sa isip ko ang ginawa kong pagpaslang sa kaniya. Napailing ako. Hindi nangyari iyon. Ang sabi sa akin ni Eros ay panaginip lamang ang aking nakita.

The Beast's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon