19

139 5 0
                                    


Agad lumundag ang dalaga sa kama pagpasok ng kuwarto. Binaon niya ang mukha sa unan saka doon binuhos ang sakit ng loob.

Nariring niya lahat ang  sinabi ni james kay frit'z at sobra siyang nasasaktan.

Bakit ba siya nasasaktan? Bakit ba siya umasa na may something alam niya naman sa umpisa na wala talaga.

Yumugyug ang balikat niya dahil sa pag iyak. Sobrang bigat ng dibdib niya.
Pagkatapos ng lahat lahat wala din pala. Parang nanliit siya sa kanyang sarili.

Why he's so caring? So thoughtful? So gentlemen? Sweet?

Binigyan siya ng rason para sumibol ang pag asa na sa wakas may magmamahal din sa kanya ng buong buo na hindi ikakahiya kahit ano pa siya.

Impit siyang humagulhol. Kahit sa pamilya niya hindi niya yun naramdaman. Hindi niya naramdaman na mahal siya at importante siya. Hindi nga siya kinukumusta kung ok ba siya?

Pagkatapos ng kasal hindi man lang siya kinausap ng mommy niya. Ang daddy niya hindi na din niya inabala dahil busy ito sa business nila. Ang ate grace niya busy sa pagtrabaho.

Di hamak na arrange married lang naman at lahat ng mga ginawa at kilos na pinakita ay isang hamak na palabas lamang pero bakit dalang dala siya?

Nagising siya kinabukasan na namumugto ang mata. Napansin din niyang hindi pa siya nakabihis. Nakatulog pala niya ang pag iyak kagabi.

Huminga siya ng malalim saka nagkagat labi. Kinurap kurap niya ang mata parang may luha kasing gusto pumatak sa pisngi niya anumang oras.

Ngumiti siya ng mapait saka tumayo na para maligo.
Naglagay siya ng concealer sa kanyang eyebag para hindi mapansin na namumugto ito.

Pag labas niya sa kuwarto agad siyang natigilan ng makita ang binata na nakatayo sa pinto niya. Ngumiti sa kanya.

Napalunok siya. Nandiyan na naman ang ngiti na yun! Ngiti na nakakainlove. Bakit ang gwapo gwapo nito kahit anong suot o ayos ng buhok.

Ngumiti siya saka sinara ang pinto.

"g-good morning!"bati niya

"good morning! Tara na kakain na tayo!" ngiti na yaya nito kaya tumango nalang siya saka ngumiti nalang din.
Naramdaman niya ang kamay nito sa likod niya nakahawak habang ginaya siya pababa sa hagdan sobrang caring na mas lalong kinabahala niya.

Pinaghila pa siya ng upuan pag upo niya saka ito umupo sa tabi niya.
Napansin niya ang pagtinginan ni nila manang at kuya pero hindi niya pinansin wala ding pakialam ang binata. Pinagsandok pa siya ng kanin.

Nakita niya ang pagngiti ng dalawa nilang kasama kaya mas lalo siyang nahiya.

"s-salamat!" nahihiya niyang sabi ng nilagyan pa siya ng ulam sa plato niya saka ito nagsandok para sa sarili.

"ubusin mo yan! Dagdagan ko pa yan!" ngiti na sabi ng binata kaya napatingin siya sa binata. Napatikhim din si kuya jason kaya napatingin sila nito. Napahawak ito sa dibdib at umubo. Inabutan ito ng tubig ni manang.
"masanay na kayo sa nakikita niyo!" ngising sabi ng binata sa mga ito saka hinawakan ang kamay niya na nasa mesa nakapatong. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ng binata.

Mas lalong bumigat ang naramdaman niya.

Napangiti siya saka marahang tinanggal ang kamay ng binata saka hinawakan ang kutsara at tinidor.

"kakain muna tayo!" ngiti niyang sabi saka nagsubo na pero hindi niya nalalasahan ang lasa nito. Napangiti siya saka tumingin sa binata na nakangiti sa kanya.

Arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon