29

103 2 0
                                    


Nagulat din siya sa biglang pagsulpot  si frit'z pagdating ng tanghali. Ngumiti pa ito saka niyakap siya ng bahagya saka binalingan ang tatlong pamangkin na nanonood ng power rangers.

"hi litte jhon's.. Did you miss me?" ngiti sambit nito saka isa isang kiniliti ang mga bata. Nagtilian ang mga ito at nagtatawa.

Napatawa nalang din siya saka inabot ang remote para patayin ang flat-screen tv.

"napasulpot ka ata!" sambit niya

"simpre...may malaking event na magaganap sa susunod na araw at ayaw kong palampasin yun!" ani nito saka kiniliti ulit ang mga bata.

Napa isip siya! Anong event? Kaya ba busy si james?

"naalala mo ba yung video na pinapanood ko sayo tungkol sa isla... Ito yun!" ngiting sambit nito saka umupo.

Napatango siya saka napangiti ng maalala yun! Yun araw kung saan pumagitna sa kanila si james.

"eeehh.. May naalala!" parinig ni frit'z kaya bigla siyang sumeryoso saka inabot ang remote at nag on ulit ng flat-screen tv.

Napatawa si frit'z saka kiniliti ulit ang mga bata.

"hiraman ko muna ang anak mo para makabonding kayo ni kuya!" kindat na sabi nito saka binaba sa sofa ang mga bata.

Bigla siyang namula sa sinabi ni frit'z ng marealize ang ibig iparating nito.

"let's go!" saka inakay ang tatlo palabas sa pinto. Napatayo na siya. Seryoso ba ito sa gagawin?

"frit'z.." tawag niya.

"ako muna ang bahala sa mga bata kahit ilang araw pa.... Kaya ko ang mga ito! Hindi naman ito maglilikot !" assure na sabi nito.

Gusto pa sana niyang mag re-act ng dumugtong ito.

"sa resort muna kami mag stay kasama ang mga pamangking kong ito." ngising sabi saka tiningnan ang mga bata.

Nagtanguan ang mga bata kaya naiwan siyang nakatulala sa sofa. Ng matauhan siya mabilis iyong sinundan.

Nakasakay na ito ng mini cab at kumaway.

Napahinga siya ng malalim saka kumaway nalang din. Wala na siyang choice!

Hinintay niya ang asawa na umuwi pero nadismaya siya ng gumabi nalang hindi ito nagpakita. Sinilip silip na niya mula sa bintana kung may darating ba pero wala hanggang sa matulugan nalang niya ang paghihintay.

Mabilis siyang bumangon kinaumagahan saka dali daling lumabas nagbabasakali baka nakauwi na si james pero nadismaya siya ng maabutan si manang na nagluluto sa kusina.

"good morning" bati niya saka dumaritso sa lababo at nagmugmog ng bibig.

"maayong buntag pud..."bisaya na bati ni manang sa kanya.

" si james po? "hindi niya mapigilang maitanong. Nakita niya itong natigilan saka tumikhim.

" nagtataka na ako kung bakit hindi pa umuwi."sambit nito.

Napatango siya saka lumabas sa kusina. Maaga pa naman kaya nagdesisyon siyang lumabas sa bahay saka naglalakad sa dalampasigan.

Ilang hugot ng hininga ang ginawa niya saka ngumiti ng pilit.
Baka busy lang! Baka may importante talagang inasikaso ang asawa pero bakit hindi umuwi? Nakalimutan na ba nitong  kasama sila?

Napatingin siya sa magpamilyang naliligo sa di kalayuan.
Napangiti siya.
Pumayag pa naman siyang pumunta sa isla para makabonding pero ano? Naiwan siyang nag iisa. Ang mga bata nandoon naman kay frit'z.

Arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon