12

142 3 0
                                    

Palakad lakad siya sa loob ng kanilang kuwarto. Katatapos lang ng hagisan ng bulaklak kanina at nagsikainan na pagkatapos kaya nagdisesyon siyang umakyat muna para mag bihis pero hindi niya inaasahan na ito ang madatnan niya.

Wala siyang matinong mga gamit sa loob ng kanyang maleta. Panay mga sexy at mga maninipis na suot. Ngumiwi siya saka umupo sa kama ng bumukas ang pinto.

Natigilan siya ng makita papasok din ang  binata. Napatayo siya.

"what are you doing here?" she asked coldly.

"magbibihis!" walang sabi sabi naghubad ito ng pang itaas kaya napatili siya at napatalikod bigla. Bumilis ang tibok ng puso niya.

"sa banyo ka magbihis wag dito!" gigil niyang sabi kahit hindi nakikita ang binata.

"wag mo akong utusan sa anong gawin ko dahil nasa teritoryo kita."

Hindi niya mapigilang mapatawa at mapatingin sa lalaki. Mabuti at nakabihis na ito lahat kaso ang hinubad nito nasa sahig lang nakakalat.

"ang yabang mo naman... Wag kang mag alala hindi ko kamkamin  yang yaman mo. Hindi ako enteresado!" galit niyang salang sa binata. Nakita niya ang pagtaas ng labi nito saka  tinalikuran siya para lumabas ulit.

Gigil siyang umupo sa kama at dinampot ang unan saka hinampas hampas sa kama, nagdesisyon  siyang wag ng  bumaba ulit. Pagod siya sa palabas nila ni james.
Agad siyang naligo at nagbihis ng pangtulog.

Tinawagan niya ang kanyang ate pagkahiga niya sa kama.

"yes, sis!" masigla na bungad nito.

" balak mo talaga akong ipa-rape  kay james?" naririnig niya ang tawa ng kapatid  sa kabilang linya dahil sa kanyang tanong.

"rape? Asawa mo na yun kaya hindi ka ma-rape niyan...bagay naman sayo ang mga yan." sumimangot siya sa sinabi ng ate niya. Narinig pa niya sa background ang tawanan at music.
James ikaw na ang bahala sa kapatid ko tutal first--

Mabilis niyang pinatay ang tawag baka ano pa ang marinig niya.

Hinintay niya pumasok si james pero wala james na pumasok. Natulugan nalang niya at nagising wala pa ito. Inabot niya ang cellphone sa uluhan at tiningnan ang oras. Mag ala una na ng madaling araw. Bakit wala pa si james?
Umuwi kaya ito o nasa kabilang kuwarto? Pinigilan niya ang  sarili na wag bumaba.
Ayaw man niyang dalawin ng antok pinilit niyang matulog.
Pabaling baling na siya ng hinigaan hanggang sa nakatulugan nalang niya.
.
.
.

Naramdaman niyang may tumabi sa kama pero hindi niya pinansin dahil antok na antok pa siya at paniguradong mag uumaga na siguro.

Narinig pa niya ang pagtulog ng cellphone nito kaya tuluyan siyang napadilat at pinakiramdaman ang katabi. Hindi na ito kumilos. Agad siyang bumangon ng marahan saka inabot ang cellphone niya.
Mag alas singko na ng umaga.

Napatingin siya kay james na nakatihaya na natutulog. Mukhang pagod na pagod ito. Saan ito galing? Narinig ulit niya ang pagtulog ng cellphone may nag txt ata. Gusto sana niyang abutin at tingnan pero pinigilan niya ang kanyang sarili na gawin yun. Agad siyang pumasok sa banyo at nag toothbrush.

Saan siya galing? Sino ang kasama niya? Ka kakasal lang namin bakit wala siya sa tabi ko buong magdamag?

Maraming tanong na nasa isip niya pero wala siyang karapatan na tanungin yun dahil maayos ang usapan nila ng lalaki.

Agad siyang bumaba at naabutan niya ang isang crew nasa front desk. Nakauniform ito.

"good morning po maam."magalang na bati nito

Arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon