24

151 4 0
                                    


Napaungol si james ng magising sa kama. Ngumiti siya saka marahang kinapa ang asawa sa tabi pero wala na ito.

Napadilat siya at napatingin sa tabi. Wala ito. Napahawak siya sa kanyang noo saka napabangon. Panaginip lang ba yun?

Nayakap at nahalikan pa niya ang asawa kagabi.

Nagpikit siya ng mata saka humiga.
Ilang minuto pa bago siya nagdesisyon na lumabas sa kuwarto ng maamoy ang isang familyar na amoy!

Biglang kumabog ang puso niya! Ibig sabihin hindi siya nag iisa.

Mabilis niyang tinungo ang kusina at doon niya nakita ang babae na nakatalikod nagluluto. Suot ang maluwang at malaking tshirt na hanggang hita ang haba. Napansin niya ang makinis nitong binti.
Likod palang kilala na niya. Napangiti siya saka mabilis itong nilapitan at niyakap mula sa likod. Siniksik niya ang ulo sa leeg nito. Narinig niya ang pagsinghap nito.

"i thought it was a dream but it's true." bulong niya nito.

"kagabi ka pa panay ang yakap sa akin!" mahina at pino na sabi nito.

Napangiti siya ng marinig ulit ang boses ng asawa. Inabot niya ang off ng gasul saka pinaharap ang asawa.

Namumugto ang mata nito.
Hinaplos niya ang mukha nito saka tinitigan. Her perfect and lovely face! Her cute kissable lips. Tinitigan niya ito mula sa mata.. Patungo sa ilong, sa labi, sa pisngi at sa buong mukha.
Hinaplos pa niya ang eyebags na namamaga.

"I'm sorry... My wife!" hinging paumahin niya sa asawa at niyakap ulit niya ito.

"ivan.." mahina na usal nito

Napapikit siya saka ngumiti. Ang sarap sa pandinig niya sa pagbanggit ng kanyang pangalan.

"my wife...." sambit niya hinaplos haplos ang buhok nito at inamoy amoy. Narinig niya ang pagtawa nito kaya napalayo siya. Nakita niya ang  pagkagat labi nito.
"you laugh at me! Why?." pabebe niyang sabi sa asawa. Napangiti na ito saka tinampal siya  sa braso.

"kagabi ka pa panay ang tawag sa akin ng wife! Yang amoy amoy mo sa buhok ko! At saka pwede  ba ibatones mo yang polo mo!" natatawang sabi nito saka humarap ulit sa stove.

Napatawa siya saka niyakap ito.

"gusto kong sulitin ang  panahon bawi sa taon na nawala ka sa tabi ko!" masuyo niyang sabi

Humarap ulit sa kanya ang asawa niya. Ngumiti.

"i miss you ivan..." nahihiyang sabi nito saka yumuko ng bahagya.
Napangiti siya sa sinabi ng asawa at kinabig ito. Nanlaki ang mata nitong napatingin sa kanya.
Napangiti siya saka tinitigan ang asawa.

Napansin niya ang pamumula ng pisngi nito halatang nahihiya na sa titig niya.

"stop staring at me..." hiyang sabi nito kaya mas lalo siyang napangiti ng malawak.
"ano magtitigan nalang tayo!" sabi pa nito kaya napakalas siya ng yakap sa asawa at lumayo.

Nagtaka ito sa ginawa niya. Lumunok siya para pigilang ang init na maramdaman sa katawan kagabi pa!
Kinuyom niya ang kamao niya dahil sa pagpigil. Ang dalaga naman ay napatalikod at hinarap ang niluto.

Gusto niyang gawin kagabi pa pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang dungisan ang kama ng kapatid baka kantiyaw pa siya lalo nito. Gusto  niyang mangyari yun, yung gusto nila pareho.

Bumalik siya sa Kuwarto para maligo.

Paglabas niya naabutan niya ang asawa na nagsalin na ng ulam para sa almusal.

Arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon