30

108 3 0
                                    

3 days ago

Kahit pagod nagdesisyon na pumunta sa resort si james dahil sa kanya plano na surpresa sa asawa. Nagkunwari lang siyang may importanteng gagawin.

Naabutan niya si kuya caloy  kausap ang ilang crew sa resort halatang nagplano sa pwedeng sabihin kung sakaling sumulpot bigla si geraldine.

"james nakahanda na ang lahat... Pinagsabihan ko na rin sila sa pwede nilang gawin." ani ni kuya caloy.

Tumango siya saka umupo sa upuan.

"saan na ba si frit'z?" tanong niya saka pumikit.
Sobrang dami ng inisip niya. Hindi din niya alam kung galit ba ang asawa niya o hindi basta ang alam lang niya hindi ito kumibo kanina pa mula pag alis!

"bukas na siya darating... Kasama sila manang chona at jason!" sagot ng isang crew niya na nasa front desk nakaasign.

Bumuga siya ng hangin saka dumilat.

"make sure hindi malaman ni geraldine ito!" sabi niya sa kanyang front desk crew.
"Sabihin mo kay manang sonia na mag ingat sa kikilosin sa bahay baka makahalata si geraldine sa plano natin." baling niyang sabi kay kuya caloy. Tumango ito.
"yan muna... Gusto ko munang magpahinga!" sambit niya saka tumayo.

Sa VIP room siya pumasok at humiga.
Gusto niyang tawagan ang asawa para marinig ang boses pero pinigilan niya ang sarili.
Gusto niyang ilambing ang asawa pero saan siya. Nandito sa resort!

Mabuti  nalang at todo suporta ang pamilya niya. Kaibigan at pati ang matalik niyang kaibigan suportado siya at plano itong pumunta  kasama ang asawa at anak. Sinama na rin si bobby. Bilang organizer sa event niya mamayang gabi  at libre para sa  kanya.

Napangiti siya sa excitement. Pati ang lima pa niyang kaibigan pupunta din.

Narinig niya ang pagtunog ng cellphone. Kinapa niya ito sa pocket sa suot na pants at sinagot na hindi tiningnan ang tumawag.

"ooh.." walang gana na sambit niya.

"isama ko nalang si mommy at si daddy bukas. Pati ang mga pamilya ni geraldine para isang biyahe lang!" ani ng kapatid niyang si frit'z. Pumikit siya.

"ikaw na ang bahala...walang problema sa akin." mahina niyang sambit.

"bakit mo pa kasi naisipang mag surprise ng ganito sa asawa mo? Alam mo ba halos sa ganitong pangyayari magdududa na talaga sayo si geraldine! Idagdag pa ang bangayan niyo ni kuya jason na kunwarian lang! Tsssk!" mahabang lintanya nito.

"dami mong sinabi! Nahihirap na nga ako dito ooh... Dumagdag ka pa!" irita niyang sabi saka dumilat. Narinig niya ang pagtawa ng kapatid saka pinatayan siya ng cellphone.

Bumuga siya ng hangin saka tumagilid ng higa ng makaramdam ng antok.
.
.
.
.

2 days ago

Tanghali na ng magising siya. Agad niyang kinapa ang asawa sa tabi para yakapin ng maalala na nag iisa lang pala siya.

Bumangon siya at nagkamot ng ulo. Narinig niya ang ingay ang cellphone pero hindi pinansin. Dumaritso siya sa banyo para maligo.

Pagbaba niya naabutan niya si frit'z na nakaupo kasama ang parent at in laws niya. Pati sila kuya jason at manang chona nakangiti.

Napangiti siya.

"mom..dad.." sambit niya saka isa isang nag-galang nito.

Ngingitian niya ang ate grace niya pagkatapos.
Nagtanguan sila ni kuya jason at nag thumb up.

Arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon