Kabanata 13

422 20 1
                                    

ISANG malakas na sampal ang nakuha ko mula 'kay Mommy pagka-pasok na pagka-pasok ko sa bahay. Masakit, oo. Not physically but emotionally. Masamang tinignan ko ang direksiyon ni Kaelene bago tumingin ulit 'kay Mommy na galit na galit pa din sa akin.

"Ano? Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit napaka-suwail mong anak!"

"My... H-Hindi 'yon gano'n kadali. Hindi ko po kayang gawin ang gusto niyo..." Muli akong nakatanggap ng sampal sa kanya.

"Simple lang 'yon, Hyacinth! Mag-paawa ka lang sa mga Caetano at sabihin na kailangan na 'tin ng pera. Manghihiram ka lang naman."

Bumuntong hininga ako at mariin na pumikit. Hindi ko inaasahan na 'yon ang bubungad sa akin na sasabihin nila. They want me to get some money to the Caetano's na para silang may pinatago.

Hindi ko alam kung para saan ang pera at pinagmamadali nila ako sa bagay na 'yon. I can't do that things...

"Mommy... Just please tell to me what really the reason why we need some money if meron naman na tayo." Nanlilisik ang mata niya na dinuro ako.

"Wag na wag mo akong tanungin, Hyacinth. Gawin mo ang inuutos namin sa 'yo. Bibigyan kita ng tatlong araw para magawa ang bagay na 'yon."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay lumapit siya sa pwesto ni Kaelene at binigyan ng halik sa tuktok ng ulo nito bago tuluyang umalis. Paanong nagagawa niyang ipakita 'yon sa sarili niyang anak? Kahit kailan ay hindi niya sa 'kin ginawa 'yon. Bakit... Bakit laging si Kaelene?

"Haya... P-Pwede kitang tulungan. K-Kaibigan ko ang pinsan ni Sig... B-Baka mapahiram niya tayo-"

"Pwede ba?! Wag ka ng makialam!"

Sigaw ko sa kanya at nagmartsa na paakyat sa hagdan para pumasok sa kwarto ko. Wala akong oanahon na makipag-plastikan sa kanya. She's still in her wheelchair and I don't know kung hanggang kailan siya naka-upo doon.

"Haya... I really wanna help you. I'm sorry if I'm one of the reason of your heartaches. H-Hindi ko naman gusto ang gano'ng paraan na atensiyon nila Tita at Tito... Pasensiya na talaga."

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng marinig ang boses niya mula sa labas. Mukhang tinulungan siya ng isa sa mga katulong para maka-akyat sa hagdan.

Bumuntong hininga ako. Bakit ba siya nagbabait-baitan? Ano pa bang gusto niyang makuha sa 'kin kung ang atensiyon ng mga magulang ko ay nasa kanya na?

Ako:
Omi, are you free?

Naghintay ako ng ilang minuto at hindi naman nagtagal ay naka-receive ako ng reply sa kanya.

Omi:
Nasa café pa ako mamayang 8 PM pa ang out ko. May problema ka ba?

Ako:
I'll go to your work, sunduin kita. I need someone to talk right now.

Mukhang breaktime niya dahil nakakapag-reply siya sa mga text messages ko.

Omi:
Sige, hintayin kita :)

Napa-ngiti ako dahil laging one text at one call away agad si Omi. Alam ko na kahit siya may problema ay hindi niya pa din ako nalilimutan na kamustahin. Kaya sobra din talaga akong nag-aalala sa kanya dahil masyado itong mabait sa lahat. Isa pa, kung anong kinadaldal ko tungkol sa mga problema ko ay siya namang ikinatahimik niya.

Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili para muling umalis. Pagbaba ko sa hagdan ay nakita kong sinusubukan umakyat ni Omi sa hagdan. Mabilis na kumunot ang noo ko sa kanya.

"What are you doing?"

"Uhm... G-Gusto ko na kasing maka-lakad. Ang bored kasi kapag nasa wheelchair lang."

Moon TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon