Kabanata 32

1.6K 26 1
                                    

NANATILI akong tahimik sa upuan ko habang panay naman ang kuwentuhan ng mga taong kasama ko sa hapag. Panay din ang sulyap ko 'kay Aillard dahil hindi pa ito ganoon karunong kumain mag-isa. Nag-aalala ako na baka matapon lang ang pagkain sa kanyang plato.

Napanatag naman ako ng makita siyang inaalalayan ni Sig sa pagkain. At alam kong sa pagkakataon na ito ay mayroon na siyang ideya sa nangyayari. Kung sino si Aillard.

Hindi man siya magsalita ay alam kong may nalalaman na ito. I know Sig very well and that's the reason why I'm scared and nervous right now.

"Mas'yado kang halata, Haya." mabilis na bumaling ako 'kay Kaelene na nasa tabi ko.

"Ha?" tanong ko dito.

"Titig na titig ka sa mag-ama mo. Halata." naiiling na sabi nito.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at iniwas na lang ang tingin sa kanila dahil baka nga mapansin ni Sig na nakatingin ako sa kanila.

"Hello everyone!" Sabay-sabay kaming napatingin sa bagong dating at nakita doon ang mag-asawang Caetano.

Mabilis naman silang iginiya ng mga katulong sa kanilang uupuan sa hapag-kainan. Mas lalo akong hindi mapakali sa puwesto ko dahil hindi ko talaga ito inaasahan.

I really can't understand everything. At kating-kati na talaga akong magtanong sa kanila pero pinipigilan ko lang din ang sarili ko dahil alam kong hindi ito ang tamang oras doon.

"Welcome back, Hyacinth..." Mabilis akong tumingin 'kay Tita Anna na malawak ang ngiti sa akin.

"Uhm... Thank you po," malakas na kumalabog ang dibdib ko lalo't ramdam ko ang paninitig ng taong kaharap ko.

"Are you staying here for good, Hija?" nakagat ko ang aking ibabang labi at dahan-dahan na tumango sa kanya.

"Oh," tumawa ito at tumingin sa kanyang anak na para bang meron itong pinapahiwatig doon. "Magandang balita 'yan kung ganoon. May bahay na ba kayong matitirahan? Puwede naman kayo dito kung gano'n." hindi ako sumagot at ngumiti lang sa kanya.

I'm pressured right now. Bakit pakiramdam ko ay may alam na sila umpisa pa lang?

Tumingin ako sa pinsan kong matamis na nakangiti habang ang atensiyon ay nasa kanyang kinakain. I frustratedly sighed and continue eating when they opened another topic. Mas maganda 'yon kesa naman nasa akin ang atensiyon nilang lahat.

Natapos ang almusal at napag-kasunduan nilang sa may garden na lang tumambay at doon ituloy ang kuwentuhan. Nasa may veranda lang ako at tinatanaw sila sa baba.

Sinabi ko naman sa kanila na ba-baba ako mamaya dahil gusto pang matulog ulit ni Aillard kaya pinatulog ko muna ito. Pero wala akong lakas ng loob na bumaba ulit doon. Based on Tita Anna's reaction I know she already know about it my son.

"Why don't you go outside and join them?" napa-igtad ako ng may magsalita mula sa likod ko.

Kahit hindi ako tumingin ay kilala ko na ang boses na 'yon.

"Uhm..." itinikom ko na lang ang bibig ko at hindi na natuloy pa ang dapat kong sasabihin.

"How are you?" humigpit ang hawak ko sa railings dahil sa kanyang tanong.

Binigyan ko siya ng mabilis na sulyap at halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib ng makita itong mariing nakatingin sa akin habang nakasandal sa railings.

"A-Ako dapat ang nagtatanong niyan, 'di ba?" pilit kong tinatagan ang sarili ko na magsalita.

"I'm not fine when you left with my child, Haya. That's my answer." nakagat ko ang aking ibabang labi ng makumpirma nga sa kanya ang lahat.

Moon TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon